Advertisers
“MANALIG tayo sa Diyos… kaya Pilipinas, “God First!” na tayo! We will bare our platform of government in the coming days and will definitely involve the young generation which forms a large part of the party membership.”
Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno, matapos na tanggapin niya ng may kababaang loob ang nominasyon upang maging standard bearer ng Aksyon Demokratiko na ginawa ng party co-founder Sonia Roco, maybahay ni dating Senator Roco na nagtatag ng partido noong 1998.
“I accept the nomination… I am humbled and honored. To the Roco family and stalwarts of Aksyon Demokratiko, thank you for trusting me to carry the party’s banner in the coming (national) elections,” pahayag ni Moreno kasabay ng pasasalamat kay Roco sa mga magagandang sinabi nito nang i-nominate siya bilang kandidato sa pagka-Presidente sa 2022 polls.
“More than anything else, we need a leader with empathy. ‘Yung may tunay na malasakit sa kapwa. ‘Yung nakaranas na ng hirap ng buhay. ‘Yung alam ang pakiramdam na mawalan ng trabaho o yung maghahanap ng susunod na kakainin,” sabi ni Mrs. Roco nang i-nominate si Moreno.
Sinabi ng alkalde na tama si Mrs. Roco nang ilarawan siya bilang aktwal na nakaranas ng kahirapan at ikinararangal niya na nakaahon siya sa kahirapang ito.
“Tayo, we rose from the ranks. Ang mga kalaban natin, kumain na lang sa lamesa ‘yun dahil inihatag sa kanila ng mga magulang na Pangulo. I don’t think they really understand the real situation of our constituents. They can only create motherhood statements para makiliti ang mga tenga ng kababayan but we in Aksyon, we sell prototypes… pruweba patunay,” sabi ni Moreno.
Idinagdag pa nito na: “ Nakipagsagupaan tayo sa gitna ng pandemya at hindi sa loob lang ng bahay at pavideo-video lang… we don’t live in the past but we do not forget what happened in the past, so that we will learn lessons for the future.”
Sinabi ni Moreno na nagugulat siya sa pagbuhos ng mga suporta sa kanya nitong mga nakaraang araw at sinabi niya na napakabilis dumami ng mga gustong umanib at tumakbo sa ilalim ng partido Aksyon Demokratiko.
“We are exponentially growing as the days go by. Grabe ang datingan, I am really honored and humbled with the outpouring of support. Hindi na tayo sidecar, bangka at barko na tayo,” sabi ni Moreno.
Binigyang diin ng alkalde na kailangan nating makilahok kung gusto natin ng pagbabago dahil ang paghahangad ng pagbabagong ito ay bunga ng mga suliraning dahil sa kawalan ng hanapbuhay.
“Panahon na para manindigan at isulong ang isang Pilipino sa liderato.. isang subok na at may kakayanan. Di man siya perpekto pero siya ay handang making. Ramdam nya ang hiniang at suliranin ng mga ordinaryong mamamayan dahil sa siya mismo ay galing sa kanilang hanay..nakipaglaban sa hamon ng buhay, handang makipagsapalaran at hindi susuko,” sabi ni Mrs. Roco kay Moreno.
Idinagdag pa ni Mrs. Roco: “Ginawa nya (Isko) ito nang hindi nanghamak o nang-api ng kapwa-tao. Sa laki ng hamon ng bansa ngayon, kampante akong babangon tayo ulit at mamamayagpag sa ilalim ng liderato ng isang Isko Moreno Domagoso. Umaasa kami na mga kapartido mo na sa pagbalangkas at pagpapalabas ng iyong BilisKilos na plataporma ay isusulong nito ang prinsipyo at misyon ng ating Partido.
“It is therefore with privilege and honor that I would like to move that the Filipino to lead the party and the country in carrying our Akyon’s ideals, visions ideals and aspirations for the country as our standard bearer and Presidential candidate to the 2022 national election be the young energetic, God-fearing competent local chief executive from the the city of Manila, Mr. BilisKilos himself, Isko Moreno Domagoso,” sabi Roco .
Bilang tugon naman, sinabi ni Moreno na: “I hope di ko man mapantayan ang mga pangarap ni Senator Roco sa ating bayan, at least maabot natin nang kaunti. Alam ko nang magtatag siya ng Aksyon ay guso niya talagang pangalagaan ang ating mga kababayan.” (ANDI GARCIA)