Advertisers

Advertisers

HIS ROYAL ‘AIRNESS’ SA KAHARIAN NG BASKETBALL

0 290

Advertisers

NAHILIG na maglaro nang competitive basketball si Airness Rhei Jordan Importado Alao nang siya ay 17-anyos na at noo’y naghati na sa kanyang oras ang libangan sa computer at sports.
Hindi katulad ng kanyang kapatid na si MurPrince na 4-anyos pa lang ay kasa-kasama na ang amang si Ray Alao kahit saan ito maglaro sa mga commercial Leagues at mga games sa dating balwarte sa Canonigo, Paco sa Maynila hanggang sa kanilang komunidad sa Antipolo Hills kung saan ay nahasa nang husto ang bunsong Alao.
Napansin ang talento at maharlikang dugong-basketbolista ni Airness nang makita siyang sumali sa scrimmage ng ama nito kung saan ay naroon ang family friend na si Arwind ‘Spiderman’ Santos ang star player ngayon ng San Miguel Beer sa PBA.
Mungkahi ni Arwind na irerekomenda niya si Airness para maka-tryout para sa team B ng FEU Tamaraws.
Nauna sa kanyang kapalaran sana sa FEU, ngumiti ang destiny kay Airness nang may isang bantog na coach ang nakapansin uli sa estilo ng laro ng panganay na anak ni Ray.
Sa tryout ni Mur Prince para sa RP Youth sa AMA gym sa timon ni coach Mark Herrera, napasama sa practice si Airness na di-alam ni coach na siya ay anak din ni Ray Alao.
Di na pinawalan ni coach Mark si Airness para sa koponang AMA at kampante naman ang kanyang ama na nasa mabuting kamay at mahusay na mentor ang panganay na anak.
Nagpasalamat ang mag-asawang Ray at Mariel sa tiwala at suportang kaloob ni coach Herrera kay Airness Rhei na nakapaglaro pa sa AMA sa mga collegiate leagues at nang lumaon ay nadala siya ng mahusay na coach sa PBA D-league na nakapaglaro ng dalawang taon.
“Imagine, 17 years old na nag-start si Airness, noong nag-18-siya ay varsity player na at pagsapit ng 19 anyos ay nasa PBA D-league na siya sa tulong ni coach Mark,” pahayag ni Ray Alao sa panayam. “Sobrang saludo ako kay coach Mark kasi sa dami ng batang tinutulungan niya ay natutupad ang kanilang pangarap sa basketball.”
Sa isang meeting ni Ray sa COCOLIFE ay nagkita sila ng isa pang sikat na mentor na si coach Louie Gonzales at napag-usapan nilang paglaruin sa JRU ang panganay na Alao at napabilang nga siya sa team B ng Heavy Bombers.
Pagbalik ng NCAA season pagkatapos ng pandemic ay mapapasama na si Airness Rhei sa men’s team ng Jose Rizal University in flying colors na ipinagpasalamat ni Ray kay coach Louie sa gabay nito sa laro ng kanyang anak tungo sa pagtupad ng pangarap sa larangan ng sports at siyempre bukod sa ambisyong magtapos sa pag-aaral.
Sa pagbabalik aksiyon ng basketball matapos ang pandemya, may isang pangarap na matutupad at eere na sa local cagedom si Airness Rhei Jordan Alao tungo sa bigtime basketball pagdating ng araw.(Danny Simon)