National Housing Dev’t, Financing Bill para sa mga mahihirap at “walang bahay”, pinamamadali ni Sen. Go
Advertisers
HINILING ni Senador Christopher “Bong” Go ang mas mabilis na pagpasa ng panukalang pagpapaganda at pondo ng national housing programs ng pamahalaan at mabigyan ng accessible house services ang mga “walang bahay” at mga itinuturing na underprivileged.
Sinabi ni Go na mahalaga ang sapat na housing na matagal nang problema sa bansa kung saan nasaksihan niya ito sa pag-iikot niya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ipinaliwanag ni Go na dahil sa COVID-19 pandemic ay lalong nadagdagan ang kalbaryo ng mga homeless at mahihirap kaya umaasa siyang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magkaroon ng sariling bahay dahil karapatan ng lahat ang magkaroon ng disenteng bahay.
Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 203 o National Housing Development , Production and Financing Bill noong July 2019 kung saan layunin nitong makalikom at magamit ang pondo para sa mga low-cost housing production , support mechanism para mapabuti ang housing options at matiyak ang matibay at sustainable na housing finance system at madagdagan ang partisipasyon ng private sector.
Giit ni Go na ang limitadong appropriations ang isa sa mga naging hadlang sa abilidad ng gobyerno na maibigay ang basic right of shelter ng milyon-milyong mga Pilipino.
Dagdag ni Go, hangad niyang matulungang matupad ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat ay walang squatter sa sariling bansa. (Mylene Alfonso)