Advertisers

Advertisers

Arnold, Aaron at Alvin!

0 655

Advertisers

KUNG ang LA Lakers ay bago pa magsimula ang season ay saka lang makukumpleto ang pagbabakuna ang mga koponan sa PBA ay oks na sa kanilang anti-Covid 19 vaccination. Mayroon kasi mga manlalaro na hindi naniniwala sa bakuna.

Kaso may mga ilang lugar na ginawang mandatory ito sa mga dose anyos pataas na papasok sa indoor arena.

Hayan may mga siyudad na requirement na ito gaya ng San Francisco at New York. Dito nalagay sa alanganin si Andrew Wiggins ng Warriors na may religious belief na iba. Hindi naaprub ang kanyang hinihinging exemption Sa sarili nilang homecourt at sa Nets pati Knicks ay bawal siya. Sa iba pang stadium ay kailangan mag pa test ka kada pagkakaton at siyempre dapat negatibo ang resulta. Mabuti walang need sa kanila ng face shield.



Sa pagkakataong ito ay dinaig natin ang NBA. Hehe.

***

Ayon kay Norman Black na may twice to beat advantage sa playoffs bilang numero dos (9-2) sa eliminations ay sa Huwebes pa magkakaroon ng re-evaluation ang hand injury ni Aaron. Matatandaan na nasaktan ang kamay ng anak ni Coach Black sa first quarter ng game nila kontra sa Terrafirma. Wala naman nakitang masama sa X-ray nang dinala ito sa ospital.

May average ang ROY na 6.7 points, 3.2 rebounds at 1.5 assists ngayong conference para sa tagapamahagi ng kuryente.

Makakatapat ng mag-ama at ng buong prangkisa ang sister team nilang NLEX Road Warriors sa QF.



***

Mukhang tuloy na si Alvin Patrimonio sa pagpalaot sa pulitika sa 2022. Kulang na ang 2 linggo bago ang deadline sa filling ng kandidatura sa Comelec.

Sabi ng ating ibong pipit ay desidido ang tinaguriang Cap sa PBA na tumakbong alkalde ng Cainta. Makakaharap niya ang asawa ng incumbent na meyor.

Nang huli tayong maka-chat ng Magnolia team manager ay pinayuhan natin na mag-bise muna siya at sa susunod na sumubok maging pinuno ng kanyang bayan. Mas maigi kako na kumuha ng karanasan bago ang inaasam na posisyon.

Diumano’y may maperang backer kaya nais na ngayon. Now na.