Advertisers

Advertisers

Bong Go sa nat’l at local gov’t units… MAGKAISA, TULUNGAN ANG NAGHIHIKAHOS NA KOMUNIDAD

0 262

Advertisers

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa national government na ipagpatuloy ang pakikipagkaisa sa local government units para matugunan ang pangangailangan ng mga naghihikahos na komunidad para makabangon sa dulot ng COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Go sa kanyang mensahe matapos magsagawa ng relief operation ang kanyang grupo sa mga residente ng Licab, Nueva Ecija, na kinakailangan ang pakikinig sa panawagan ng local groups at iba pang civil society sectors na bigyan ng serbisyo ang mga naghihirap na komunidad lalo ngayong panahon ng krisis.

“Mahirap ang sitwasyon ngayon. Nasa krisis tayo dulot ng COVID-19 at marami ang nawalan ng trabaho. Marami ang nagsara na negosyo at maraming [overseas Filipino workers] din ang umuwi. Ang bawat isa nito ay mayroong pamilyang binubuhay,” ani Go.



“Kaya mas paigtingin pa natin ang ating pagseserbisyo lalo na sa panahon ngayon na nangangailangan ang mga Pilipino. Hindi pwede ang papatay-patay sa gobyerno. Magtulungan po tayo at ‘wag patulugin ang trabaho,” apela niya.

Ang grupo ng senador ay namahagi ng mga pagkain, vitamins, masks, at face shields sa tinatayang 3,888 residente na binubuo ng dialysis patients, magsasaka, market vendors, jeepney drivers at mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association.

Ang aktibidad ay isinagawa batch by batch municipal gym sa Barangays Casimiro at San Cristobal covered courts bilang pagsunod sa health protocols.

“Dati akong driver dito sa Licab. Nung nagkapandemya, nawala ang mga trabaho. Buti na lang may tulong na natatanggap kami mula sa mga kaibigan at kamag-anak at ‘yun ang bumubuhay sa amin. Kung minsan, binabawasan na namin ‘yong kinakain namin sa isang araw,” ang pahayag ni Jose Sarmiento, 61.

”Sa ating ginoong Presidente (Rodrigo Duterte), nanawagan ako dahil may mga dating ayuda na hindi na nakarating dito… Sana matulungan niyo na mabigyan ako ng kaunting kabuhayan dahil hirap talaga kami sa renta, kuryente pati pagkain ngayon. Nangangailangan talaga kami ng tulong dahil wala na talagang trabaho dito sa bayan namin,” ang apela ni Sarmiento na agad namang tinugon ng pangkat ni Go.



Nauna rito, nagsagawa rin ang mga tauhan ni Senator Go ng limang araw na relief operation sa may 12,132 magsasaka sa Guimba noong August 23 hanggang 27.