Advertisers
Dead on the spot ang isang pulis nang magbaril sa ulo sa loob ng bahay sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang nagpatiwakal na si P/Cpl. Mark Pineda, 32, nakatalaga sa Station 12 ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa report, kumakain si Pineda at anak na lalaki sa bahay nito sa Phase 4, Pacakge 2 Blk 13, Lot 21, Brgy. 176 Bagong Silang 4:00 ng madaling araw.
Bigla na.lamang pumasok ng kwarto si Pineda at susundan sana ng asawang si Lorna nang makarinig ito ng isang putok mula sa silid.
Pagpasok ng silid ni Lorna, bumulaga sa kanyang harapan ang nakahandusay na duguang asawa.
Agad na humingi ng saklolo sa Sub-Station 12 ng Caloocan City Police ang ginang upang magsagawa ng imbestigasyon kung saan suicide ang inisyal na ulat na isinumite ng mga imbestigador kay Caloocan Police Chief P/Col. Samuel Mina bagama’t nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon. (Beth Samson)