Advertisers

Advertisers

Flattening the curve

0 340

Advertisers

May mga pag-aaral na ang pandemiyang dala ng nakamamatay na virus ng COVID-19 ay magiging mas maikli lamang ang pamamalagi kaysa sa pandemiya ng Spanish Flu noong nakaraang siglo (1918) at tinataya ng World Health Organization (WHO) na di ito aabot ng dalawang taon.

Ang mga eksperto naman ng ating bansa sa University of the Philippines (UP) ay nagsasabi na kung hindi sa katapusan ng buwan (August) o sa susunod na buwan (September) ay mapaplantsa na natin ang pagdami ng bilang ng nagkaka-COVID-19 o yun tinatawag na “flattening of the curve.”

Ang flattening of the curve ang nakakapagbigay sa atin ng datos na bumababa na ang bilang o porsiyento ng hawaan ng virus. Parang sinusukat nito ang bilis ng produksiyon o pagkakahawa-hawa sa ating bawat Filipino. Hindi natin mapaplantsa o mapapatag ang bilang, kung araw-araw ay lagpas pa rin sa libo ang bagong bilang ng mga nagkakaroon ng virus.



Yan ang sabi at opinyong ibinigay ni Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team na ang dagdag sabi pa na kapag ang mga bilang ng mga bagong kaso ng nagkaka-COVID-19 ay pumalo na at pumirmis lamang sa isang libo kada araw ay naaabot na natin ang kapanatagan ng hawaan ng virus o flattening of the curve na nga.

Ito ay sa tulong na rin ng mga ipinatupad na iba’t ibang lebel ng quarantine sa loob na halos ng limang buwan at pakikipagtulungan ng sambayanan. Pero hindi ito nangangahulugan na kapag nai-flattened natin ang curve ay dito na natatapos ang problema natin sa COVID-19, kundi ay nangangahulugan na nagagawa palang natin na mapababa ang bilis ng hawahan dahil sa koordinasyon at pagsunod ng lahat sa mga patakarang itinatakda ng pamahalaan.

Ang sabi nga ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus kung ang buong mundo ay magsa-sama-sama, mapagtatagumpayan nito ang laban sa COVID-19. Kasama rito ang pagkakadiskubre ng vaccine o bakuna na panlaban sa virus.

Kung ang mga eksperto, pandaigdigan man o lokal ay nagsasabi na, na tumataas na ang kapasidad ng bansa para labanan ang COVID-19, dapat pa rin natin gawin ay sumunod sa mga inaatas ng ating pamahalaan upang tayo ay maproteksiyonan.

Ang itinatakdang pagsusuot ng face mask at face shield, palagiang paglinis ng ating mga kamay at pag-iwas sa mga mataong lugar o social distancing ay mga napaka-simpleng gawain lamang para sa atin upang sundin, nang sa ganun ay ibinabahagi rin natin ang ating partisipasyon para ma-flattened ang curve. Umabot man ang pandemiya ng mga ilan buwan o mapa-dalawang taon pa ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">