Advertisers

Advertisers

BEKBEK AT KOTONG NA PULIS, LAGOT KAY MAYOR ISKO

0 268

Advertisers

Mahigpit ang naging babala ni Manila Mayor Isko Moreno sa sinumang pulis na mangungulekta ng pera sa mga vendors kapalit ng mga pabor gaya ng pagpayag na makapaninda ang mga ito sa gitna ng kalsada o sa mga lugar kung saan sila ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nakarating pala kasi sa kanyang kaalaman na isang alyas ‘Bekbek’ ang sumisira sa magandang layunin ng alkalde na panatilihing malinis at maayos ang mga kalsada o libre sa anumang ‘obstruction.’

Ito raw ‘Bekbek’ na ito ang siyang nasa likod ng operasyon ng mga illegal vendors na nagsisilbi lamang na hambalang sa maayos na daanan na dati nang nilinis ng pamahalaang-lokal para magamit ng publiko.



“Baka akala ninyo pandemya, pag nakatalikod ang gobyerno sige kayo. Kayo mga Eddie ha, meron pa ‘kong naririnig diyan ‘Bekbek,’ sige. Pasensiyahan tayo.. sinabi ko na sa inyo, sa mga pulis na malalaman ko na patong sa vendor o sa obstruction, dito ko kayo ipakikilala (live broadcast),” ani Mayor Kois.

“Uulitin ko.. magtino kayo. Ang dami nang problema. Ako, naniniwala di yan mage-exist.. alam mo nang bawal, me obstruction, wala kang ginawa? Isang bagay lang ‘yan. Nasa mabuting ‘cash-unduan’ ‘yan at ‘ma-boteng’ usapan. Wala tayong tolonggesan,” dagdag pa niya.

Akalain nga naman ninyo, hirap na hirap ang mga tauhan ni department of public services chief Kenneth Amurao sa pagsasagawa ng ‘clearing operations’ kahit pa weekend tapos dumadagdag pa sa trabaho ang mga illegal vendors sa Juan Luna Street kung saan mahigpit ang bilin ng alkalde na bawal ang mga manininda gaya ng Soler, buong Recto Binondo side, Carriedo, Paz, A. Linao, Pedro Gil at Taft Avenue.

Tama ang konklusyon ni Mayor Kois. Hindi naman talaga maglalakas-loob ang mga iligal na vendors na ito kung walang basbas ng pulis o mga galamay ng pulis na nakasasakop sa lugar kung saan naroon ang iligal na aktibidad.
Ang magandang tanong ay ito: “Sino si Bekbek at sino ang padrino nito?” Magkano ang kinikita ng protektor ni Bekbek?

Baka naman kamag-anak o ‘suki’ ng lespu itong si Bekbek o baka naman nasaksakan ng anesthesia ang mukha nito kaya hindi marunong mahiya.



Mukhang malakihan ang usapan dahil sobrang lakas ng loob nung ‘Bekbek’ na mag-organisa ng mga iligal na vendors kahit pa alam niyang mahigpit itong ipinagbabawal sa lugar kung saan sila ay nahuhuli.

Abangan na lang natin dahil sinabi naman ni Mayor Kois na ipiprisinta niya mismo sa kanyang lingguhang live broadcast ang nasabing pulis kung hindi ito titigil.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.