Advertisers

Advertisers

Alden nagtapat, type si Bea

0 251

Advertisers

NAKATRABAHO na ni Alden Richards si Bea Alonzo sa isang shampoo commercial.Kung mabibigyan uli ng chance, gusto naman niyang makatrabaho ito sa isang pelikula.

“It’s common knowledge that Bea is one of my idols. I love her tandem and projects with John Lloyd Cruz,” sabi ni Alden.

Na-starstruck nga raw siya kay Bea nung nakita at nakatrabaho niya ito.



Hindi pa nakagagawa ng indie film si Alden kaya gusto niyang subukan na gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

“I would like to try taking on dark roles. For commercial films, I just want something more mature than what I have previously done. That way, I get to raise my level with every project.”

O ayan sa mga indie producers, kunin ninyo na si Alden, since gusto niya palang gumawa ng indie. At hindi naman siguro siya maniningil ng mahal o ang GMA na humahawak ng kanyang career. Alam naman nilang hindi malaki ang bayad sa indie.

***

WALA pa ring ibinibigay na pahayag si Arnold Clavio tungkol sa rebelasyon ng dating OFW na si Sarah Balabagan, na siya ang tunay na ama ng panganay nitong anak na babae.



Nananatiling tahimik ang beteranong broadcaster. Pero para sa amin, tama lang na huwag nang magsalita o magpaliwanag pa si Arnold. Kung gagawin niya pa kasi yun, baka lalo pang lumaki ang isyu.

Hayaan niya na lang na kusang mamatay ito. At huwag niya na ring sagutin o patulan pa ang dating broadcaster na si Jay Sonza.
Nag-post kasi ito sa kanyang Facebook account ng ganito, “My friend, Igan, your silence is not helping you any. Man up. Speak up or simply vanish.” (Rommel Placente)