Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,131 gumaling; 99 nasawi; 5,277 new cases

0 241

Advertisers

UMABOT na sa mahigit 200,000 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, habang nadagdagan at umakyat na rin sa mahigit 133,000 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa karamdaman.
Batay sa case bulletin #165 na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM nitong Martes, Agosto 26 ay nakapagtala pa sila ng karagdagang 5,277 bagong kaso ng sakit sanhi upang umabot na sa 202,361 ang kabuuang bilang ng COVID-19 infections sa bansa.
Sa naturang kabuuang bilang, 65,764 pa ang aktibong kaso, 91.6% ang mild cases, 6.3% ang asymptomatic; 0.9% ang severe at 1.3% ang critical.
Pinakamarami pa rin naitalang bagong kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 3,157; sumunod ang Laguna na may 403 new cases; Negros Occidental na may 304 bagong kaso; Rizal na may 237 naman at Cavite na may 228 bagong kaso.
Ang magandang balita naman, nadagdagan din ng 1,131 pa ang mga pasyenteng gumaling sa sakit, sanhi upang umabot na sa kabuuang 133,460 ang CoVID-19 recoveries sa bansa.
Samantala, may 99 pasyente pa ang binawian ng buhay dahil sa virus kaya’t umabot na sa 3,137 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 77 ang iniulat na binawian ng buhay ngayong Agosto; 18 noong Hunyo; tatlo noong Hunyo at isa noong Mayo.
Ang mga namatay ay naitala sa NCR, na nasa 61; Region 4A na nasa 14; Region 3 na naa 12; Region 7 na nasa anim; Region 6 na may dalawa habang tig-isa naman ang namatay sa Region 2; Region 10 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, mayroon namang 80 duplicates ang inalis ng DOH mula sa total case count. Sa naturang bilang, 58 na recovered cases ang inalis.
Mayroon rin umanong 9 na kaso ang dating naiulat na nakarekober mula sa sakit ngunit sa balidasyon ay natuklasang binawian pala ng buhay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)