Advertisers

Advertisers

2 Pinay suicide bombers sa Jolo kilala na

0 298

Advertisers

KINUMPIRMA ni Philippine Army Chief, Lt.Gen. Cirilito Sobejana, na mga Pinay ang dalawang suicide bombers sa likod ng madugong magkasunod na Jolo bombing na ikinasawi ng 14 indibidwal at ikinasugat ng 75 katao. Karamihan sa mga namatay ay sundalo.
Ayon kay Lt.Gen. Sobejana, kapwa lokal ang babaeng suicide bombers na asawa nina Norman Lasuca, ang kauna-unahang Pinoy bomber; at Abu Talha, ang conduit ng ISIS group sa Pilipinas.
Kinilala ni Sobejana ang dalawang Pinay suicide bombers na sina alias “Nanah”, taga Basilan; at alias “Inda Nay” na residente ng Sulu pero lumipat at nanirahan sa probinsiya ng Tawi-Tawi.
Itinanggi ng Heneral ang unang report na Indonesian ang isa sa dalawang babaeng bombers.
“Walang foreigner Anne, yung isa asawa ni Abu Talha, yung namatay sa engkwentro at conduit ng ISIS International with the local ASG; yung isa naman ay asawa ni Norman Lasuca, yung first Filipino bomber na nagpasabog nuong araw na na nag-assume ako bilang commander ng Western Mindanao Command,” pahayag ni Sobejana.
Mariin ding itinanggi ni Sobejana na nagkaroon ng security at intelligence lapses sa hanay ng militar kaya hindi napigilan ang pagsabog sa Jolo.
Sinabi ng Heneral, on track ang kanilang intelligence operation laban sa suspected bombers na tinatrabaho ng grupo ni Maj. Marvin Indammog na pinatay ng siyam na pulis ng Jolo nuong June 29.
Naniniwala si Sobejana na kung hindi nangyari ang madugong pagpatay sa apat na military intel officers ay naiwasan nila ang pagsabog nitong Lunes.
“Tuloy-tuloy yung ating intelligence gathering. If you recall yung nangyari nuong June 29, kung hindi sana na disrupt yun… eh nagresulta pa sa very unfortunate incident kungsaan namatay yung apat nating kasamahan. Talagang naka tutok ‘yung ating intel operatives duon sa dalawang suspected suicide bombers na mga babae. Eh ito ngayon nagkaroon ng lull, though may ginawang follow-up effort pero medyo nagre-established tayo ng network o yung pag-locate ng kanilang kinaroroonan. Eto hindi naagapan at sumabog na duon sa pamilihan kungsaan may mga sundalong namimili during the time of the explosion,” wika ni Sobejana.
Samantala, pinaalalahan ni Sobejana ang Army commanders lalo na duon sa conflict areas na manatiling naka-alerto at siguraduhin na hindi muling makalulusot ang mga terorista sa kanilang terroristic plans.
Siniguro ni Sobejana na kaniyang tututukan ang mga capability buildup lalo na ang kakayahan ng deployed units sa pagtugis sa mga kalaban ng gobyerno lalo na ang mga terorista.
Pinatitiyak ni Sobejana sa Army commanders na i-sustain ang pakikipag-ugnayan sa local government units at sa iba’t ibang stakeholders.(Mark Obleada)