Advertisers

Advertisers

Prof/Engr. sinuhulan ang PCSO GM, pinosasan

0 346

Advertisers

NAGRELO ng posas ang 44-anyos na Civil Engineer/Professor nang tangkain nitong suhulan sa loob ng opisina ang PCSO general manager kahapon ng umaga sa 10th flr., Suntrust Bldg., Mandaluyong City.
Kinilala ng Mandaluyong Police ang nadakip na si Ryan Patrick Nepomuceno, 44, Civil Engineer/Professor, at nakatira sa #26 Dahlia St., Sampaguita Village, San Pedro, Laguna. Pormal itong inireklamo ni PCSO General Manager, Col. Royina Marzan Garma (ret.), sa awtoridad.
Dakong 10:30 ng umaga nang dakpin ng mga operatiba ang suspek sa loob mismo ng opisina ni Garma sa PCSO sa 10th Floor, Suntrust Bldg., Shaw Blvd., Brgy., Wack-wack, sa lungsod.
Nauna rito, nagtungo ang suspek sa opisina ni Garma dala ang isang dokumento (PCSO Request, addressed to Governor of Banko Sentral ng Pilipinas, Hon. Benjamin Diokno) bitbit ang isang paper bag na naglalaman ng bundle-bundle na tag-P1,000.00 para suhulan ang opisyal, kapalit umano ang pirma ni Garma para palitawin na empleyado ito ng PCSO.
Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa Mandaluyong PNP si Garma at pinaaresto ang suspek sa kasong ‘direct bribery at falsification of public documents’. (Edwin Moreno)