Advertisers
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Patay ang tatlong “tulak” ng iligal na droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa anti-drug buy bust operation sa Sitio Pacac, Barangay Abar 2nd ng lungsod na ito, Mierkoles ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ni San Jose City Police chief, LtCol. Heryl Bruno, na ipinadala kay OIC Nueva Ecija Provincial Director CoL. Marvin Joe Saro, kinilala ang mga napaslang na sina alyas na “Ambet”, alyas “Larry” at alyas “Noel”.
Nagsagawa ng anti-drugs operation ang mga otoridad sa lugar nang nakatunog umano ang mga ito at pinaputukan ang mga pulis, dahilan para gumanti ng putok ang mga operatiba at nasawi ang mga suspek.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na pagkakakilanlan ng mga napatay.- (Jun-Jun Sy)