Advertisers

Advertisers

Parak lumabag sa curfew, inireklamo ng tanod

0 229

Advertisers

INIREKLAMO ng hepe ng barangay tanod ang isang pulis nang lumabag ito sa curfew hour sa Brgy. Yapak Boracay, Malay, Aklan.
Kinilala ang pulis na si Corporal Jayson Amar ng Boracay PNP, at ang nagreklamo ay si Lilibeth Ostan, chief tanod ng Brgy. Yapak.
Ayon kay Ostan, lumabag sa curfew hour ang pulis habang nakikipagkantahan sa videoke kaya sinita niya ito. Pero sa halip na humiling ng konsiderasyon ang pulis, sinagot pa siya nito na mas mataas ang kanyang posisyon kaysa sa tanod.
Nagpaliwanag naman ang chief tanod sa pulis na sumusunod lamang sila sa ordinansa ng barangay.
Sa report, natapos ang videoke 2:00 ng umaga sa nirentahang bahay ng pulis na nagresulta ng malaking perwisyo sa mga residente na nabulahaw sa ingay ng kantahan.
Habang isinusulat ang balitang ito, nakatakda mag-usap ang inireklamong pulis at si Ostan sa tanggapan ni Barangay Captain Hector Casidsid.(PTF team)