Advertisers
KUMAMADA si Paul George ng 35 points, habang si Kawhi Leonard nagdagdag ng 32 upang tulungan ang Los Angeles Clippers na pagulungin ang Dallas Mavericks sa 154-111, kahapon para ilista ang 3-2 lead sa kanilang first-round Western Conference playoff series sa Lake Buena Vista, Florida.
Montrezl Harrell nagdagdag ng 19 points at 11 rebounds para sa Clippers, puntirya ng Los Angeles na ikandado ang series bukas araw ng Biyernes.
Dallas’ Luka Doncic, na umiskor ng game-winner at the Buzzer sa Game 4 at nagtala ng 43-point triple-double, ay nalimitahan sa 22 points on 6-for-17 shooting.
Mavericks center Kristaps Porzingis ay nanateling nakaupo dahil sa iniindang knee soreness, ito ang ikalawang sunod na laro ang 7-foot-3 Latvian ay nakaupo.
Dallas coach Rick Carlisle ay pinalabas sa third quarter sa mainit na laro, dahil sa anim na technicals at flagrant-1 foul.
Leonard umiskor ng 22 at Paul George bumakas ng 18 upang tulungan ang Los Angeles na ipinta ang 76-52 lead sa halftime. Ang Clippers ay bumuslo ng 61% sa first half at umabante ng halos 27 points.
Ang Game 6 ay magaganap sa Biyernes.