Advertisers
TULOY ang pamamahagi ng tulong ng tanggapan ni Senate Committee on Sports Chairman Christopher “Bong” Go, Department of Social Welfare and Development, Games and Amusement Board at iba pang concerned agencies sa mga boksingero at iba pang atleta kung saan pinakahuli ay ginawa sa Bukidnon, Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Halos 100 beneficiaries mula sa listahan ng GAB ang nabigyan ng mga food packs, medicine packs at masks mula sa mga tauhan ni Go.
Bukod dito, ilang masuwerte at pinakanangangailangang atleta ang nabigyan ng bisekleta ng Senador.
Dumalo rin sa pamimigay ag mga kinatawan ng DSWD na namahagi ng financial assistance at dagdag food packs na isinagawa sa Cagayan de Oro city kasunod ng pagsusulong ni GAB Chairman Abraham Mitra.
Una rito, namahagi rin ng ayuda sa mga atleta ang tanggapan ni Go sa General Santos City kung saan sa kanyang mensahe ay sinabi ni Go na bukas ang kanyang tanggapan sa anumang hiling na tulog basta kayang ibigay.
Bago ito, personal na nanguna si Go sa pamamahagi ng tulong sa 59 na boksingero sa Davao City. (Mylene Alfonso)