Advertisers

Advertisers

SALOT SA PHILHEALTH!

0 328

Advertisers

Ibinunyag ni Civil Service Commission o CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada na mayroon aniyang direktiba mula kay CSC Chair Alicia Bala na huwag magbigay ng anumang impormasyon na may kinalaman sa PhilHealth sa isinasagawang pagdinig ng Kamara.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara sa mga anomalya sa PhilHealth, natanong ni House Committee on Public Accounts Chair Mike Defensor si Lizada kung totoo bang mayroong pag-supress o pagpigil sa pagbabahagi ng CSC ng impormasyon na may kaugnayan sa mga kaso sa PhilHealth sa Komite.
Ayon kay Lizada, matapos na lumabas ang memorandum ng Pangulo patungkol sa PhilHealth ay agad silang nagpulong at doon umano sinabi ni Chairperson Bala na huwag maglalabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa PhilHealth cases.
Katunayan, hindi aniya niya inaprubahan ang minutes ng naturang pulong dahil iba ito sa recording ng meeting at ipinag-utos na itama ito.
Pinasinungalingan naman ito ni CSC Asst. Commissioner Ariel Ronquillo at sinabing ang direktiba ni Bala ay huwag tanging sa publiko lamang hindi dapat ilabas ang impromasyon ngunit ibahagi ito sa mga imbestigasyong isinasagawa.
Dahil naman dito ay inaprubahan ng Komite ang mosyon na imbitahan si CSC Chair Bala upang mapakinggan din naman ang kanyang panig.
May mosyon din na inaprubahan para isumite ang recording at transcription ng pulong.
At sakaling mapatunayan na may nagsisinungaling ay i-cite ito in contempt. (Henry Padilla)
Panibagong kaso vs korap PhilHealth officials (sub-title)
Ikinakasa na ng TasK Force PhilHealth ang paghain sa panibagong kaso laban sa mga opisyal na sangkot sa kontrobersiya sa naturang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Department of Justice Sec. Menardo Guevarra, gagamitin umano nilang ebidensiya ang resulta ng imbestigasyon ng Kamara at Senado.
Ayon pa kay Guevarra lumabas sa kanilang imbestigasyon, walang centralize control ang Information Technology (IT) system ng PhilHealth kaya madaling manipulain.
Dagdag pa ni Guevarra, ang legal division din umano ng PhilHealth ang pinagmumulan ng iregularidad.
Kasabay nito, magpapanukala rin umano ang Task Force ng structural reforms sa naturang ahensiya.
Una nang sinabi ni DOJ Usec at Spokesman Markk Perete na maliban sa mga senior officials ay mayroon din nagpahayag ng interes ang mga kawani ng PhilHealth Insurance Corp. na magtestigo sa ikinakasang imbestigasyon ng Task Force kung saan bina-validate na ang kanilang mga testimonya. (Josephine Patricio)
Duterte ipakukulong mga kulimbat sa PhilHealth (sub-title)
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na may kahihinatnan at makukulong ang mga tiwaling opisyal na sangkot sa PhilHealth controversy.
Sa kaniyang public address kahapon inihayag ng Presidente na siya mismo ay lalagda sa isasampang kaso laban sa mga tiwaling opisyal.
Ayon pa sa Pangulo, hahayaan niyang gumulong ang ikinakasang imbestigasyon sa pangunguna ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kasama ang mga miyembro ng binuong task force.
Tiniyak ng Pangulo na sa nalalabing araw ng kaniyang termino ay nais niyang maubos ang mga kurap na opisyal at kawani sa PhilHealth. (Josephine Patricio)