Advertisers

Advertisers

Babaeng suicide bomber posibleng asawa ng Pinoy suicide bomber

0 266

Advertisers

INAALAM pa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) kung asawa ng unang Filipino suicide bomber na si Norman Lasuca at teroristang si Abu Talhan ang nagsagawa ng magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes.
Ito’y matapos kumpirmanin ni Lt Gen Cirilito Sobejana, Philippine Army Chief, na ang magkasunod na pagsabog ay kagagawan ng 2 babaeng suicide bombers na ikinasawi ng 14 katao, karamihan sundalo, at 75 sugatan.
Sa imbestigasyon, sinabi ni Sobejana lumalabas na kagagawan ng suicide bomber ang unang pagsabog taliwas sa unang report na ang bombang sumabog ay mula iniwan o ipinaradang motorsiklo sa tapat ng Paradise Grocery sa Barangay Walled City, Jolo.
Base sa mga nakalap na cctv footage, kagagawang ng suicide bomber ang pagsabog. Pero hindi pa matukoy kung babae o lalaki ito dahil sa nagkalasog-lasog ang katawan nito.
Habang ang ikalawang pagsabog ay kagagawan ng isang babaeng suicide bomber na may layong 100 meters mula sa unang pagsabog.
Ang nasabing suicide bomber ay sinita ng sundalo dahil sa kahinahinalang kilos habang papalapit sa kinaroonan ng mga otoridad nang sumabog ang dala dala nito o suot na bomba.
Sinabi ni Sobejana na ang dalawang suicide bombers ang sinusundan ng grupo ni Army Major Indamog na napatay nang pagbabarilin ng mga pulis noong June 29 sa Jolo.
Naniniwala si Sobejana na ang grupo ng Abu Sayyaf sa pamumuno ni Mjndi Sawadjaan ang nasa likod ng magkasunod na pambobomba.
Ayon pa kay Sobejana, muli nilang in-activate ang Inter-Agency Task Force upang mapalakas ang kampanaya kontra terorismo at kasalukuyang nagpapatupad ng lockdown sa Jolo upang walang makaalis o makapasok ng bayan.
Nanawagan din si Sobejana sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad at agad na ipagbigay- alam kung mayroon napansin na kahina-hinalang individual o grupo. (Mark Obleada)
‘Anak ng bomomba sa Jolo church posible nasa likod ng magkasunod na pagsabog sa Jolo (sub-title)
POSIBLENG nasa likod ng pagsabog sa Jolo, Sulu nitong Lunes ang anak ng dalawang Indonesian suicide bombers na umatake rin sa simbahan sa Jolo noong nakaraang taon.
Kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad ang babaeng suicide bombers, na ikinasawi ng higit 10 indibidwal, batay kay Rommel Banlaoi, director ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research.
“Isa sa pinaghihinalaan po natin na female suicide bombers na puwedeng magsagawa ng ganyang klaseng pag-atake sa Jolo ay iyong anak ng Indonesian na responsible rin sa Jolo cathedral suicide bombing,” pahayag ni Banlaoi.
Noong Enero 2019 ay pinasabog ang Mount Carmel Cathedral kungsaan 20 ang nasawi at ito’y iniuugnay sa Abu Sayyaf.
Sa ngayon ay tinitingnan din ang kaugnayan nito sa pagpatay sa apat na sundalo noong Hunyo 29.