Advertisers

Advertisers

Army chief hirit ang ‘Martial Law sa Mindanao

0 225

Advertisers

IREREKOMENDA ni Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana sa AFP leadership na isailalim muli sa Martial Law ang probinsiya ng Sulu.
Ito’y matapos ang madugong kambal na pagsabog nitong Lunes.
Ayon kay Sobejana ang kaniyang rekomendasyon ay base sa kahilingan ng mga residente sa probinsiya.
Ani Sobejana, layon nito para maibalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Suluanos.
Naging epektibo ang implementasyon ng Martial law sa Sulu nang idineklara ito sa buong Mindanao.
Isusumite pa ni Sobejana ang kaniyang rekpmendasyon ay AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay at si Gapay ang mag-rekomenda nito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Inaalam na rin sa ngayon ng militar kung may kaugnayan ang kambal na pagsabog nitong Lunes at ang Jolo Cathedral twin bombing noong 2019.
Sa pahayag ni JTF Sulu Commander BGen. William Gonzales, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at maging ang post blast investigation para matukoy kung anong klaseng IED ang ginamit ng dalawang babaeng suicide bombers.
Hindi pa makumpirma sa ngayon kung ang isa sa dalawang suicide bombers ay banyaga o Indonesian national.
Una nang kinumpirma ni Sobejana na dalawang babaeng suicide bombers ang nasa likod sa Jolo twin bombing.