Advertisers
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na kanilang kukwentahin ang ginastos na bilyon-bilyong pondo ng pamahalaan para sa ginagawang pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa kanyang public address, inako mismo ni Pangulong Duterte ang responsibilidad hinggil sa naturang usapin. Ayon kay Pangulong Duterte, kaniyang pipirmahan ang anumang report mula sa Department of Justice (DOJ) sakaling may isasagawang imbestigasyon at irekomendang kasuhan ang mga mapatutunayang guilty sa hindi tamang paggasta ng pondo ng pamahalaan.
Gayundin ay inatasan ni Pangulong Duterte ang National Task Force for COVID-19 na kanilang isa-isahin kung saan at paano ginamit ang pondo ng pamahalaan.
Pahayag ni Pangulong Duterte, “Upon my oath of office, ‘wag kayong mag-alala, lahat ng pera na nagastos dito sa away ng COVID ay maa-account. I will hold myself responsible for this solemn duty of answering for and in behalf of the executive department of all the funds that were spent in the fight against COVID,” (Vanz Fernandez)