Advertisers

Advertisers

Hepe ng pulis patay nang rumesponde sa nagrarambo

0 214

Advertisers

PATAY ang Chief of Police ng Carmen, North Cotabato nang barilin ng hindi pa nakikilang salarin nang rumespode sa insidente ng pamamaril sa bayan nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Major Joan R. Resurreccion, hepe ng Carmen Municipalities Police Station.
Ayon kay Lt. Col. Lino Capellan, spokesman ng PRO12, naganap ang pamamaril sa Quarry Site Sitio Tawan Tawan, Poblacion Carmen.
Sa report, pinangunahan ni Resurreccion ang pagresponde nang makatanggap ng report hinggil sa pamamaril sa isang dayuhan.
Sa pagtugis ng mga otoridad sa dayuhan, binaril nito si Resurreccion na hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng tama sa katawan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at pagkakadakip nito. (Mark Obleada)