Advertisers

Advertisers

Piyansadora at anak pinagbabaril

0 454

Advertisers

LAGUNA – Magkasunod na pinagbabaril-patay ng nag-iisang gunman ang isang piyansadora at anak nitong lalaki sa Barangay Pagsawitan, Sta. Cruz, lalawigang ito Biyernes ng hapon, Hulyo 24.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya, nakilala ang mga biktima na sina  si Jeffrey Pascion, 38, at kanyang ina na si Maria Teresa Mirasol, single parent,  kapwa residente ng Siniloan, Laguna.

Sa inisyal na ulat, 12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente. Nasa loob ng kanyang minamanehong kulay itim na Toyota Innova si Jeffrey habang hinihintay  ang kanyang ina na nasa Palawan Express nang  sumulpot ang gunman at pinagbabaril siya ng malapitan. Pagkatapos nito ay isinunod ng gunman si Mirasol na nakatayo sa loob ng nabanggit na establishment, mahigit 10 metro  ang layo mula sa nakahimpil nilang sasakyan sa gilid ng kalsada.



Tumatakbong patakas ang salarin patungo sa boundary ng bayan ng Pagsanjan na may suot na itim na sunglass, facemask na kulay pink at itim na longsleeves bitbit pa ang ginamit nitong kalibre .45 baril na baril, batay narin sa kuha ng CCTV camera sa lugar

Wala naman iniulat na nadamay na kustomer at empleyado ng establishment sa pinangyarihan ng insidente.

Hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mga biktima dahil wala na itong mga buhay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. (Dick Garay)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">