Advertisers

Advertisers

NBA: Raptors vs Celtics sa East semis

0 251

Advertisers

UMUSAD na sa semifinals ang NBA defending champion na Toronto Raptors matapos walisin sa 4-0 ang Brooklyn Nets sa kanilang serye kahapon sa Lake Buena Vista, Florida.
Ito ay makarang tambakan ng Raptors ang Nets, 150-122.
Nagsanib puwersa sina Norman Powell na may 29 points at ang reserve na si Serge Ibaka na nagdagdag ng 27 points at 15 rebounds para kumpletuhin ang pag-usad ng Raptors sa Eastern Conference.
Binaliwala ng Raptors ang pagkawala ng kanilang point guard na si Kyle Lowry na sa first quarter pa lamang ay umalis na sa game dahil sa foot injury.
Ngunit sa kabila nito, nagpakita pa rin ng matinding firepower ang Raptors mula sa kanilang bench.
Matapos idispatsa ng Toronto ang Nets makakaharap nito ang see-ded third sa NBA bubble na Boston na una nang tinalo ang Sixers.
Magsisimula ang kanilang serye sa Biyernes.