Advertisers
Gud day po. Pwede po ba yang mga Pulis Raxabago, Tondo, Manila, wag sana po nila isama ang mga nahuli nila ng walang face mask sa mga kaso ng mga ‘Salisi’. Tapos yung mga pulis po ayaw nila ibigay ang dalang pagkain para sa preso kahit oras na ng dalaw. – Concerned citizen
Wala raw sinasanto sa isyu ng
droga si Duterte, nasaan?
Nag-comment ang isang Reporter na si Louie ng DZBB na pag daw sa isyu ng droga ay walang sinasanto si Duterte. Saan banda? At akala ko ba wala silang kinikilingan? – Concerned citizen
Illegal parking sa Brgy. 182, dedma sa mga opisyal
Good evening po. Gusto ko lang po ireklamo ang brgy namin, ang Brgy 182. Dahil ginagawang parking ang kanto ng Ramirez st. at di manlang sinisita ng aming barangay. Paano po pag may emergency, hindi kaagad makakapasok o makalalabas ang mga sasakyan. Sana maaksiyunan naman ito ng barangay chairman. – Concerned citizen
Mga illegal trike sa Pasay dapat hulihin
GRABE PO ANG TUMAL NG PASADA NG TRIKE D2 SA PASAY. PERO OK LANG PO KESA WALA. 50 PERCENT PO PWEDE PUMASADA KADA ARAW. ANG PROBLEMA LANG PO SUMASABAY PA MGA KOLORUM. SALAMAT PO. – CONCERNED CITIZEN
Moro-moro lang ‘yang
isyu sa PhilHealth
Ang imbestigasyon sa PhilHealth ay moro-moro lang yan, hanggang mawala nalang ang isyu. Parang bago nang bago tayong mga Pinoy, walang mapaparusahan dyan. – Concerned citizen