Advertisers

Advertisers

Police Major huli sa pananakit ng rider, sibak

0 363

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Zamboanga City Police Station  dahil sa viral video ng pananakit sa isang rider.

Ayon kay Police BGen. Jesus Cambay Jr, regional director ng Police Regional Office (PRO)-9, ang pagtanggal sa puwesto kay Maj. Jivertson Pelovello ay parte ng procedure ng pulisya para maging patas ang imbetigasyon sa naturang insidente.

Kinasuhan narin ang opisyal ng ‘administrative relief’ kasabay ng imbestigasyon sa pagiging brutal o paggamit ng ‘unreasonable force’.



Batay sa regional police, pinaiimbestigahan na nila si Pelovello.

Sa video na ibinahagi ng netizen, makikitang sinasaktan ni Pelovello ang isang lalaking rider habang nakaapak sa tiyan nito.

“The regional director assured the public that the PNP… always accords suspects under custody with proper protection and utmost respect for human rights.” (PTF team)