Advertisers

Advertisers

Panalo si Leni

0 6,065

Advertisers

KUNG larong baseball iyon, nakaiskor siya ng homerun with bases fully loaded; kung basketball naman, ito iyong last-second three point shot na pumasok; kung wrestling, isa itong matinding chokehold na walang nagawa ang kalaban kundi gumawa ng tapout; at kung larong American football, isa itong Hail Mary pass na nasalo sa huling segundo na laro.

Ganyan katindi ang talumpati ni Bise Presidente Leni Robredo noong Lunes ng gabi. Saktong alas-sais ng gabi, nang magsalita ang Bise Presidente sa kanyang FB account na pinanood ng halos dalawang milyong tagasubaybay. Sa loob ng sumunod na dalawampung minuto, idinetalye ng Bise President ang mga dapat gawin upang maharap at masugpo ang pendemya at malutas ang suliranin sa ekonomiya.

Binigyan ng Bise Presidente ng isang malinaw na direksyon ang administrasyon ni Rodrigo Duterte na mahigit isang linggo na hindi nagpapakita sa madla. Mistulang lecture sa graduate school ang ibinigay ng butihing Pangalawang Pangulo. Hindi sumagot gaputok ang Palasyo. Malinaw na wala naman silang isasagot.



Walang alam isagot ang Palasyo sa mga pangaral ni Bise Presidente Leni. Palaging “ginagawa na namin iyan” kahit sa totoo ay wala naman silang ginagawa. Hindi naipagtanggol ng gobyerno ni Duterte ang sarili sa lupit ng mga binitiwang pangungusap ng Bise Presidente. Ito ang dahilan kaya ipinagpaliban ngayon umaga ang talumpati ni Duterte sa telebisyon.

Tinawag ng aming paboritong kaibigan na mamamahayag na “masterstroke” ang pagharap ng Bise Presidente sa sambayanan. Mistulang isang matinding suntok sa panga ang inabot ni Duterte at nawalan siya ng malay sa lakas at tindi ng suntok. Hindi namin alam kung makakabawi si Duterte. Wala naman kasi siyang nagawa.

Maganda ang timing. Isang araw matapos ilunsad ang nakakatawang kilusan para sa pagtatayo ng rebolusyonaryong gobyerno at sa gitna ng walang tigil na haka-haka na malubha sa isang hindi maipaliwanag na sakit si Duterte, pumasok si Bise President para magbigay liwanag sa madilim na direksyon ng bayan.

Kakatwa ito sapagkat hindi lingid sa ating kaalaman na nililibak ang Pangawalang Pangulo ng tila bangag na lider sa kanyang kakayahan na mamuno sa bansa. Ngayon, kung sino pa ang kinukutya, niliit, o inaapi ay siya pa ang nakakapagbigay ng malinaw na solusyon sa suliranin sa pandemya at masamang epekto nito sa kabuhayan.

Panalo si Bise Presidente sa gitgitan sa usapin na ito. Masyadong nalagay sa defensive si Duterte. Wala na siyang gagawin kundi idepensa ang sarili. Lahat ng initiative ay nasa Pangalawang Pangulo. Pinagtatawanan lamang si Duterte.



***

MUKHANG panahon na ng balimbing. Dahil may balita na malubha si Duterte, may mga ilang pulitiko ang nagpahiwatig na nakahanda silang tumalon ng bakod basta makasama lamang ang Pangalawang Pangulo. Nauna rito ang mag-amang pulitiko na sumama kay Duterte nang nanalo siya noong 2016.

Dahil nabuking ang mga pulitikong biglang nagpakita sa OVP noong nakaraang linggo, biglang nagparamdam ang mga pulitikong balimbing at humingi sila ng appointment sa Pangalawang Pangulo sa pamamagitan ng zoom. Hindi namin alam kung nakipag-usap ang mga pulitikong bumabalimbing.

Subalit nakikita namin ang Bise Presidente na tumatawa lamang. Alam niya ang pulitika. Pana-panahon. Weder-weder daw, ayon kay Erap na nakulong dahil sa salang pandarambong.

***

HINDI natin napapansin ngunit mukhang humihina ang hawak ni Duterte sa kanyang mga tao sa Gabinete. Sinusuwag na siya. Dahil alam nila ang tunay niyang katayuan, hindi sila nangingimi na sabihin ang gusto nila kahit mainis pa sa kanila si Duterte. Wala silang pakialam sa damdamin ni Duterte at sasabihin nila ang gusto nila.

Patunay si Delfin Lorenzana, kalihim ng tanggulang bansa, na nagsabing gawa-gawa lamang ng China ang 9-Dash Line na siyang batayan ng kanilang pag-angkin sa kabuuan ng South China Sea. Isang mariin na sampal ang sinabi ni Lorenzana. Sa maikli, kinilala ni Lorenzana ang 2016 desisyon ng Permanent Arbitral Commission ng UNCLOS na nagtatakwil sa pag-angkin ng China sa kabuuan ng South China Sea.

Mukha umpisa na ito ng tuwirang pagsuwag kay Duterte. Hindi kami magtataka kung magbitiw isang araw ang mga matitinong kasapi ng kanyang Gabinete. Walang natitirang katwiran upang manatili at suportahan ang tila bangag na si Duterte. Walang saysay o kahulugan ang magtrabaho sa kanya.

***

MGA PILING SALITA: “When you take a deeper look at what VP Leni has been doing, partnering with corporations and other organizations raising funds and working with communities in the laylayan – far flung areas hardly reached by government funding, that’s going above her function as Vice President. Right now, she has no official role in the cabinet other than being VP. And the official, constitutional mandate of the VP is to stand by in case the president is not able to finish his term due to death, impeachment, or other reasons. So Leni is not wasting her office. Duterte has opted not to optimize her capabilities. Yet she has continued to work where her abilities can be put to good use. She’s actually going above and beyond her mandate.” – Erie Aquino, netizen, sa talumpati ni VP Leni

“In the future we shall remember this day.. the day she drew a line in the sand and inspired the nation to fight.” – Joselito Castro Castro, netizen, sa talumpati ni VP Leni Robredo

“On political journalism. Whenever students or complete strangers ask me questions about political journalism, I have a single standard answer: Political writing is no different from entertainment writing, or show business, to be specific. A political writer should know how to handle intrigues just like any showbiz writer and make them interesting for the consuming public. He should not hesitate to report political troubles and use colorful language in his reportage. The late Washington Post columnist and journalism pundit David Broder said: ‘A political writer is essentially a fight promoter.’” – Philip Lustre, netizen

“While there are 84,662 licensed doctors in the Philippines, only 28,428 are working as doctors in the country; 65,234 are either out of the country, while some of them are not practicing their field of expertise. Of the 28,428 working doctors in PH, nearly half or 10,197 physicians are located in Metro Manila while the rest are distributed in other parts of the country.” – Sen. Joel Villanueva