Advertisers

Advertisers

Vice Pressident ng Batangas Varsitarian (BV), pinaslang, kampanya kontra droga, paihi at illegal quarry, ilunsad na!

0 6,096

Advertisers

KAILANGANG tapatan na ng pulisya ng madugong operasyon ang kampanya kontra-droga at iba pang krimen pagkat wala nang sinasanto ang mga drug trader sa Batangas City.

Tiniyak naman ni Batangas City Police Chief, LtCol. Julius C. Anonuevo na kanilang ilulunsad ang pinaigting na anti-drug and criminality campaign sa naturang lungsod kasunod ng pagkapaslang sa isang barangay councilor na aktibong katuwang ng kapulisan sa anti-drug war sa nasabing lungsod.

Si Councilor Reymar Cantos Caballero, 38, ay nagtamo ng pitong tama ng .45 na bala sa ulo, dibdib at ipa pang bahagi ng katawan. Dead on arrival ito sa Golden Gate Hospital sa Batangas City Proper.



Kung tama ang ating police insider ang mga drug pusher na sina Oniot, Cholen alias Gabay, Warmer alias Igat, Joselyn alias Takwe, Raymond alias Arong, Marcelo alias Bambam, Lerivic alias Vic, Junjun alias Unjun, Arref, Rodolfo alias Ata, Gloria alias Gulo at isang Amed ang may malaking kinalaman sa pagkakapatay kay Konsehal Caballero.


Nagbabala naman si Batangas City Police Chief LtCol. Julius C. Anonuervo na “armed and dangerous” ang tatlong hitman, dalawa sa mga ito ay walang patumanggang bumaril ng malapitan kay Caballero na kilala rin sa Brgy. Wawa sa palayaw na Konsehal Jao.

Si Konsehal Jao ay Vice President din ng pinakamalaking kapatiran sa lalawigan ng Batangas, ang Batangas Varsitarian, Batangas City Council 1932 (BV 1932).



Dalawa sa mga suspek ang bumaril ng malapitan sa biktima habang ipinaparada nito ang kanyang motorsiklo sa basketball court na katabi lamang ng kanilang bahay bandang maghahatinggabi noong Lunes. Ang isa pang suspek ay nagsilbing look-out ng mga “tirador”.

Naglalakad lamang na tumakas ang mga supek matapos ang pamamaslang tangay ang 9mm Taurus pistol ng biktima. Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga operatiba ni Batangas City Police sa mga nakilalang suspek.

Hawak na ng pulisya ang testigong nakakilala sa mga pinaghihinalaan na pinaniniwalaang bayarang killer ng mga financier sa kalakalan ng droga sa Brgy. Wawa, Batangas City.

May impormasyon naman ang SIKRETA na liban sa sangkot sa bentahan ng droga sa Brgy. Wawa at iba’t-ibang lugar sa naturang lungsod, ang mga utak sa pagpapapatay kay Konsehal Jao ay sangkot din sa Buriki o Paihi sa Brgy. Sta. Rita Aplaya at illegal na operasyon ng quarry sa mga barangay ng Wawa at Malitam, pawang sa nasabi ring siyudad.

Mariing babala naman ni LtCol. Anonuevo sa organisado at armadong grupo ng drug traders sa Brgy. Wawa na magsisuko na at huwag tangkaing manlaban sa kanyang mga operatiba.

Ang totoo nito, limang araw pa lamang ang nakaraan naisiwalat ni Konsehal Jao sa inyong lingkod na nasa hit list ito ng sindikatong nagpapatakbo ng kalakalan ng droga na nakabase sa kanilang barangay.

Bagama’t ilan sa mga ito ay naipakulong na niya sa pakikipagtulungan ng pulisya ng Batangas City, ay umaandar pa rin ang drug money ng mga ito at nakikipag-alyansa sa nakalalayang grupo para siya ay maipalikida.

Baka sakaling di pa alam ni LtCol. Anonuevo, may labinlimang big-time na drug pusher na aktibo pa sa pagbebenta ng shabu sa Brgy. Wawa na nagtutulong-tulong upang ipapatay si Konsehal Jao.

Kinilala mismo ni Konsehal ang labingtatlo sa mga ito sa aming huling pag-usap noon lamang hapon ng Agosto 19, 2020 na sina Oniot, Cholen alias Gabay, Warmer alias Igat, Joselyn alias Takwe, Raymond alias Arong, Marcelo alias Bambam, Lerivic alias Vic, Junjun alias Unjun, Arref, Rodolfo alias Ata, Gloria alias Gulo at isang Amed.

Isang lider naman ng tribung Badjao na sangkot sa pamimili ng mga nakaw na produktong petrolyo sa mga barkong nasa ankorahe ng Batangas City Bay at ang amo nitong si alias Buloy ang may mahigpit ding galit kay Konsehal.


Ang grupo ng mga sangkot sa illegal quarry na ilegal na nagpapahukay ng black sand sa Calumpang river na pinamumunuan ng isang pulis at isang city councilor ay nagnanais ding ipapatay si Konsehal Jao.

Iisa ang motibo ng mga grupo ng sindikato, si Konsehal ay balakid sa kanilang operasyon kayat dapat na mamatay. Katulong si Konsehal Jao ng mga alagad ng batas sa pag-aresto sa mga ilegalista sa kanilang barangay.

Ngunit sa paksyon ng mga nabanggit na ilegalista ayon mismo kay Konsehal Jao ang mga drug pusher sa kanilang barangay ang mas may masidhing paghahangad na siya ay ipalikida, sa katunayan ay naglaan na pala ang sindikato ng kani-kanilang share para ipapatay si Konsehal.

Malinaw na ang partisipasyon ng drug syndicate sa pagkapatay kay Konsehal Jao, kayat bahala na kayo LtCol. Anonuevo kung paanong masusupil ang sindikatong sangkot sa ilagal na droga na pawang armado ng matataas na kalibreng baril.

Kaya sa ating kapulisan, ingat lang mga Bro, huwag kayong pauuna…

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com