Advertisers
IPINAALALA ni Senator Christopher “Bong” Go sa Philippine Statistics Authority na tiyakin ang matagumpay na implementasyon ng Philippine Identification System (PhilSys) na siyang susi o mabisang sangkap upang masugpo ang mga maanomalyang transaksyon at serbisyo sa gobyerno.
Ayo kay Go, matagal na dapat naipatupad ang national ID system lalo’t natuklasan ang mga problema sa pagbibigay ng serbisyo sa taongbayan ngayong may pandemya.
“The national ID system is long overdue. The ongoing pandemic exposed many gaps in the delivery of various services. One example is the Social Amelioration Program (SAP) which initially encountered distribution challenges. The discrepancy in some data would have been minimized if we had the national ID system fully functional,” ani Go.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11055 noong August 2018 na naglalayong lumikha ng PhilSys Registry, isang integrated at efficient identification system na pagsasama-samahin ang kasalukuyang government-initiated identification systems.
Batay sa batas, ang bawat citizen at resident alien ay magkakaroon ng unique at permanente nang identification number na magsisilbing standard number sa lahat ng ahensiya ng gobyerno. Sa pamamagitan nito, hindi na kakailanganin pa ng isang indibidwal ng iba’t ibang porma ng identification.
Noong Abril, inatasan ni Pangulong Duterte si National Economic and Development Authority acting secretary Karl Kendrick Chua na madaliin ang implementasyon ng PhilSys matapos itong ma-delay at sana’y nagamit o nakatulong sa delivery ng SAP benefits sa indigent families. Ang PSA, ay attached agency ng NEDA at siyang implementing agency ng nasabing batas.
Inaasahan na may 5 milyong low-income Filipinos ang agad mairerehistro nito sa pagsapit ng Disyembre.
Naniniwala si Sen. Go na ang lumalawak na paggamit ng mga sopistikadong teknolohiya at bagong paraan sa pagpoproseso ng mga datos ay makapagbibigay ng solusyon sa pagpapabuti ng serbisyo sa publiko, maayos na pamamahala at mababawas ang katiwalian o red tape.
“The national ID system is an integral component if we are to fully realize the benefits of e-governance—faster, more efficient, more cost-effective and more responsive to the needs of our people,” sabi ni Go.
Noong nakaraang Hulyo, naghain ang senador ng Senate Bill No. 1738 o E-Governance Act of 2020, para maresolba ang mga kapalpakan sa burukrasya at mabawasan ang face to face transactions na sanhi ng korapsyon sa mga ahensya.
“Because of COVID-19, government needs to evolve and enhance transactions that normally require face-to-face interaction. It is important for the government to initiate the transition.”
“We should adopt more efficient, responsive and modern ways of transacting with our citizens. This will effectively make the government more in tune with the changing times,” ayon kay Go. (PFT Team)