Advertisers

Advertisers

Sen. Bong Go, kinondena ang karahasan sa Jolo, Sulu

0 239

Advertisers

KINONDENA ni Mindanaoan Senator Christopher “Bong” Go ang naganap na bombing incident sa Jolo Sulu na ikinamatay ng ilang sundalo at sibilyan at pagkakasugat ng maraming iba pa.

Sinabi ni Go na walang awang pinatay ng mga pagsabog ang mga sundalong naglilingkod sa bansa at idinamay pa ang mga inosenteng sibilyan.

Ayon kay Go, wala talagang pinipiling lugar at panahon ang pag-atake ng mga terorista sa pagnanais nilang sirain at guluhin ang buhay ng mga Pilipino.



Binigyang-diin ni Go na sinisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng kapayapaan ang buong bansa partikular ng mga kapatid na Pilipino sa Mindanao kung saan pinipilit niyang mag-reachout sa lahat ng grupo.

Pero nakakalungkot aniya na habang nagsisikap ang gobyerno na mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga mamamayan lalo na ng mga kabataan pero may mga terorista na patuloy na inilalagay sa peligro ang buhay ng mga inosenteng kababayan.

Kaugnay nito, hinimok ni Go ang mga concerned government agencies na siguraduhing mapanagot ang mga nasa likod ng insidente upang makamit ang hustisya sa mga inosenteng biktima ng walang saysay na terorismo.

Kinumpirma rin ni Go na nasa hearing sila sa Commission on Appointments kung saan nakasalang si Lt. General Corleto Vinluan Jr., na tumatayong chief ng Western Mindanao Command nang makarating sa kanila na muling naghasi ng lagim ang mga terorista. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">