Advertisers
AFTER 4 days na very humble na ipinakita ni Actress A ang kanyang pabolosang bahay na request ng kanyang libu-libong followers sa sariling Vlog,agad namang itinour ni Actress B ang kanyang fans sa kanyang pabolosang bahay with matching guest pa na lady interior decorator na kanyang Bff.
Sinadya ba niyang ipakita na may interior designer siyang friend dahil sa vlog ni actress A ay sinabi nitong sariling sikap niya ang pagpapaganda ng kanilang house na ang pagpapatayo nito ay galing sa kanyang pag-aartista?
Ganito rin kasi ang naging dialogue ni actress B, na yung kinita naman niya sa kanyang softdrinks commercial at teleserye sa ABS-CBN ang ipinang-invest niya sa nasabing bonggang- bonggang abode. May lihim kayang inggitan sa isa’t isa ang parehong Kapamilya stars? Just asking!
***
JC Garcia The Real “Pinoy Dancing King” Of TikTok
Matatandaang naging patok sa tiktokers ang minute- dance video ni JC Garcia ng “Senorita,” and among Pinoy dancers na mahilig sumayaw sa Tik Tok ay nabigyan talaga ni JC ng justice ang dance move ng sikat na disco song. Infairness, ang sarap niyang sabayan kaya’t siguradong marami ang nakisayaw kay JC sa nasabing dance video na inyo pa ring mapapanood sa kanyang Tiktok account.
Kamakailan naman ay sumayaw si JC sa labas ng Hyatt Regency Hotel, sa San Diego, California at kinaaliwan siya ng mga Kanong dumaraan sa oras na yun. “Actually, dancing is my way to express my happiness and contentment in life. Gusto kong makapagbigay ng good vibes sa aking viewers and sort of parang exercise ko na rin itong pagsasayaw at marami pa akong napapasayang kaibigan,” pahayag pa ni JC na pwedeng bansagang “Pinoy Dancing King.” Sa mga hindi aware ay professional dancer si JC at sumayaw sila noon ng grupo niya sa ilang TV shows dito sa Pinas at ngayon ay patuloy siyang sumasayaw at kumakanta sa mga concert niya sa iba’t ibang parte ng Amerika.
***
Fil-Canadian Siblings Na Sina Elrey Binoe At Duke Alecxander Papasukin Na Ang Showbiz
Tulad ng kanilang mommy na si Dovie Red ay handa na rin si Elrey Binoe na pasukin ang pag-aartista.
Actually, kung hindi lang na-scam ng pekeng director, bata pa lang ay nasa showbiz na sana si Elrey at kuyang si Duke Alecxander at ang kanilang mother na si Dovie. Pero tulad ni Dovie ay hindi nawalan ng pag-asa si Elrey at ngayon buo na ang desisyon ng kanyang mommy sa pag-produce ng pagsasamahan nilang movie na hinahanapan pa ng magandang title, pero ang tema nito ay psycho-thriller movie about sa paghihiganti ni Dovie at isa sa magtatanggol sa kanya ay si Elrey Binoe na action ang forte sa pag-aartista.
Yes, pag-uwi ng bansa ay magsisimulang mag-train ng iba’t ibang klase ng stunts ang good looking na Fil-Canadian boy kay Direk Vic Tiro na magiging director din nila sa movie. Yes, mahasa lang nang husto ni Direk Vic si Elrey, naniniwala kaming matutupad ang pangarap nito na maging action star tulad ng idolong si Robin Padilla. ‘Yung brother naman ni Duke ay iba naman ang hilig, ang maging ramp model o commercial model. Yes, bagay na maging endorser ng anumang produkto si Duke dahil maliban sa guwapo ay matangkad at napaka- articulate nito. Ang kanilang Mom Dovie naman ay todo exercise at para sa kanyang diet ay Mediterranean food ang kanyang mga kinakain. (Peter Ledesma)