Advertisers

Advertisers

Zara Lopez ‘fall back’ ang negosyo sa panahon ng krisis

0 909

Advertisers

THANKFUL ang sexy actress na si Zara Lopez dahil sa magandang takbo ng business niyang Sweet Reece’s spread.

Ayon kay Zara, hindi niya inaasahan na magiging matatag ang business niyang ito. Na dahil panahon ng pandemic, magkakaroon ito ng masamang epekto sa kanyang negosyo.

Pero taliwas sa inaasahan niya ang nangyari.



“Honestly akala ko ngayong lockdown hihina yung negosyo ko, kasi ayaw lumabas ng tao. Pero nagkamali ako ng akala, mas na-surprise po ako kasi sobrang lumakas kami ngayong may quarantine at ang daming naging interesado na maging distributors and resellers,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Zara, “Kaya araw-araw po akong nagpapasalamat kay Lord, kasi ang tagal kong hinintay na magkaroon ako ng negosyo na magiging successful. Ang dami ko pong pinagdaanan na pagsubok, naubos din ang savings ko, umabot din po ako sa point na nangungutang ako rati at nabenta ko lahat ng designer’s bags ko para lang maka-survive sa buhay, lalo na bread winner ako at single mom ever since.

“Nagnegosyo na po ako before ng pizza shop, nalugi lang po ako ng 1.5 million pero okay lang po yun, tinanggap ko na lang po, kasi lesson learned iyon, kumbaga.

“Pero hindi ako sumusuko sa laban ng buhay. Itong negosyo, sinamahan ko po ng dasal iyan, kasi ang dami na pong negosyo sa totoo lang, pero sobrang suwerte ko po na ako ang nauna sa showbiz na nagkaroon ng spreads na negosyo.”

Dahil may Covid19 at wala halos trabaho ang karamihan sa showbiz, itong kanyang Sweet Reece’s business ang naging fall back ni Zara.



Esplika ng ex-Viva Hot Babe, “Honestly Tito kung wala akong negosyo, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Like pambayad ng bills, monthly sa car, food, everyday for my family. Malamang stress na stress na ako ngayon, kasi ‘di ko alam kung saan kukuha ng pera.

“Lalo na ilang buwan na po akong walang trabaho simula January. Affected din po kaming artista, pero since nakapagtayo ako ng negosyo na Sweet Reece’s, masaya po ako kahit walang income sa showbiz. At least, mayroon po akong income sa negosyo ko. Hindi po kasi puwedeng showbiz lang ang aasahan mong income, paano ‘pag wala ka na sa showbiz, saan ka pupulutin? Iba po ang may sariling negosyo.”

Masaya si Zara na bukod sa lalong dumarami ang resellers niya, may nadagdag silang produkto na patok na patok na agad sa kanilang mga suki.

“Yes po, may nadagdag po tito, ang Sweet Reece’s Chichapop na pag-aari naman po ng sister ko na si Rhain. Binigyan ko po ng negosyo ang kapatid ko, since mas nakatutok na po siya rito sa negosyo namin. Kaya better na may pinagkakakitaan din po siya at magkaroon din ng sariling negosyo, since nakapasok na po kami sa online business kaya mas madali na pong magpasok ulit ng iba pang products na dagdag sa business.

“Nakakatuwa po, kasi sarap na sarap din po ang lahat ng customers and resellers namin sa bagong produkto namin. Sobrang happy po ako na naka-create po kami ng negosyo. Malaking tulong po para sa pamilya namin… may mga negosyo talaga na hindi para sa iyo at mayroon na right time si Lord para ibigay sa iyo yung tamang blessings.

“Hindi po kasi talaga lumalabas ang mga tao, kaya mas pinipili po nila na magpa-deliver na lang sa mga bahay-bahay and mas marami rin pong mga resellers and distributors namin na mas gusto ito, kasi may extra income sila, kahit may mga trabaho na po sila,” sambit pa ni Zara. (Nonie V. Nicasio)