Advertisers
NAKATUTUWA namang malaman na bumubuti na ang lagay ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Nasa hospital siya ngayon. Dinala siya roon ng kanyang misis na si Lani Mercado pagkatapos niyang dapuan ng pneumonia noong August 19 at nagpositibo naman sa COVID 19 noong August 9.
“I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19,” post ni Sen. Bong sa Facebook account niya nitong Agosto 23, 2020, Linggo ng gabi.
Aniya pa, “Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us.”
Pinasalamatan din ng magiting na senador ang mga doktor at nurse na nag-aalaga at gumagamot sa kanya.
“Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan.Thank you all. Thank you.”
Ipagdasal pa po natin si Sen. Bong para sa tuluyan niyang paggaling.
***
MAGKAKAROON ng bagong show si Alden Richards sa GMA 7. But this time, hindi siya sa isang serye mapapanood kundi sa isang drama anthology naman.
So, ibig sabihin iba’t ibang episode ang gagawin niya. Mas gusto namin na sa ganitong klase ng show mapanood ang aktor.
At least, mapakikita niya ang versatility niya as an actor. Iba’t ibang klase kasi ng character ang gagampanan niya.
***
SUPLADA pala itong isang award-winning actress. Nu’ng makita kasi siya ng isang fan sa isang hotel, nilapitan siya nito para magpa-picture.
Sabi nito sa naturang fan,sa susunod na lang daw dahil nagmamadali siya. Ang pobreng fan, nagulat sa sinabing ‘yun ng aktres. Segundo lang naman daw ang kakainin kung magpapa-picture ito sa kanya, hindi pa raw siya pinagbigyan. Sino si award-winning actress?
Nagsimula siyang mag-artista noong bagets pa lang siya. (Rommel Placente)