Advertisers

Advertisers

Lacson: ‘Plunder’ sa PhilHealth officials

0 288

Advertisers

POSIBLENG madagdagan ang kasong kakaharapin ng mga opisyal ng PhilHealth sa oras na matapos ang pagsisiyasat ng binuong task force.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, nagsusumite rin sila ng impormasyon sa panel, kahit tapos na ang pagdinig ng Senado hinggil sa naturang isyu.
Kung sakali aniya baka itaas pa ang kaso mula sa pagwaldas ng pondo at korapsyon ay maging plunder ang kasong ihahain, kung makikitaan ng matibay na batayan.
Gayunman, may agam-agam ang mambabatas sa inihaing plunder case, lalo’t mas mahirap ditong makapag-prosecute.
Isa sa jurisprudence ang naging kaso ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na pawang nabasura dahil sa kakulangan ng direktang mga ebidensyang magtuturo sa principal accused sa usapin.
“Pwede pumasok sa plunder kaya lang mas mahirap i-prosecute ang plunder kasi nagkaroon ng jurisprudence, ito ang kaso ni PGMA. Kasi kailangan ma-establish. Mas madali ipasok sa anti-graft pero wala namang magpe-prevent sa task force kasi di naman kami magfa-file ng demanda kundi ang task force na created ni PRRD na pinangunahan ni SOJ. Anyway nasa kanila lahat ang document, bahala sila mag-assess at magbalangkas kung anong mga charges. Pero binigyan din namin ang recommendation namin ano possible charges ano mga citations sa ilalim ng batas para mabigyan sila ng guide o tulong,” wika ni Lacson. (Mylene Alfonso)