Advertisers

Advertisers

Dagdag 1,333 PUJs sa NCR balik-pasada na

0 274

Advertisers

Pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabalik-pasada ang karagdagang 1,333 traditional Public Utility Jeepneys (PUJs) sa 23 ruta sa National Capital Region (NCR).
Ang direktibang ito ng LTFRB ay epektibo simula Miyerkules, Agosto 26.
Samantala, nagalak ang mga tsuper ng lumang dyip dahil matapos ang limang buwan na walang kita ay muli silang mapapamasada.
Sa inilibas na Memorandum Circular 2020-040, ay maaari ng makapamasada muli na walang special permit ang mga traditional jeepney sa mga binuksang ruta.
Gayunman kailangan ang QR code na ibibigay sa bawat operator ay dapat naka-print sa bond paper at naka-display sa PUJ unit.
Puwede i-download ang QR Code mula sa website ng LTFRB simula nitong Lunes ng hapon. (Josephine Patricio)