Advertisers
Inilatag ng Malacañang ang popondohan ng P165.5 bilyon sa ‘Bayanihan to Recover as One 2’ .
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, P140 bilyon rito ay magsisilbing regular appropriations at ang P25.5 bilyon ay magiging standby fund para sa COVID-19 testing at pagbili ng mga gamot at bakuna sa pandemic.
Saad pa ni Roque, nangunguna sa may malaking parte ng pondo ay ang mga Government Financial Institutions (GFIs) sa halagang P39.472 bilyon.
Pangalawa ang Department of Agriculture (DA) na P24 bilyon.
Habang pangatlo ay ang P13.5 bilyon inilaan sa mga programang may kaugnayan sa health related responses at pagtugon sa paglaban sa COVID-19.
Nasa P13 billion pondo naman ang inilaan para sa cash-for-work programs para sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.
Nasa P9.5 bilyon para sa Department of Transportation (DOTr), P6 bilyon sa DSWD, P5 bilyon para sa hiring ng contact tracers, P4B para sa DepEd.
Nasa P4 billion naman para sa industriya ng turismo, P2 billion ay inilaan bilang subsidiya ng gobyerno sa bayarin ng interest sa mga bago at existing loans na kinuha ng local government units (LGUs) sa Landbank at DBP habang hiwalay pa rito ang P1.5 billion pondo bilang tulong sa mga LGUs. (Josephine Patricio/Vanz Fernnadez)