Advertisers
Inoobliga na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa magka-angkas na magsuot ng Full-Face Visor Helmet.
Batay na rin sa direktibang ipinalabas ng Joint Task Force (JTF), ang rider at angkas nito ay kailangan magsuot ng full-face visor helmet.
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, na mas mainam ito kaysa magsuot pa ng face shield na madaling matangay ng hangin habang nasa biyahe.
Dagdag ni Garcia na kailangan aabot hanggang baba ang visor shield ng helmet at dapat isuot ito kasama ang mask sa buong biyahe. (Josephine Patricio)