Advertisers
Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na mahigpit na imo-monitor ng House of Representatives ang paggamit ng mga ahensya ng pamahalaan sa Bayanihan to Recover as One Bill.
Ayon kay Romualdez, naglagay umano sila ng ilang probisyon sa panukala upang masiguro ang maayos at istriktong pagpapatupad ng Bayanihan 2.
Kanila aniyang babantayan ang disbursement ng bawat government agency sa pondo na ibinigay sa kanila sa ilalim ng Bayanihan 2 at hindi raw palalagpasin ang pagkakaroon ng delay sa paggastos ng naturang pondo.
Mahigpit na rin aniya nilang babantayan ang vetting at validation process para sa mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program.
Partikular na tinukoy ng Majority Leader na nakasaad sa panukala ang pinasimpleng proseso ng pamimigay ng ayuda.
Pinagsusumite rin ang mga concerned agencies tulad ng DSWD at DOLE ng kumpleto at malinis nang listahan ng mga SAP beneficiaries.
“This will allow Congress to exercise its oversight function more efficiently in monitoring how these funds are disbursed to the beneficiaries. We do not want repeat of Bayanihan 1 where absence of database resulted to confusion in distribution of funds,” the House leader explained.
Kahapon ay pormal nang niratipikahan ng Mababang Kapulungan ang bicam report hinggil sa P165 billion Bayanihan 2. (Henry Padilla)