Advertisers
Nanindigan ang Malacañang na hindi suportado ng administrasyon ang isinusulong na revolutionary government.
Ito ang binigyan diin ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa isang press briefing.
Tiniyak ni Roque sa publiko na mula’t sapul ay Constitutional Government ang uri ng pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon pa kay Roque walang dapat ipangamba ang publiko sa ganitong mga inisyatibo.
Sinisigurado ni Roque na ang Pangulo ay bababa sa kanyang puwesto pagkatapos ng kanyang termino. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)