Advertisers
Ibinuwelta ng Department of National Defense (DND) sa China ang pahayag na may mga hakbang ang Pilipinas sa West Philippine Sea na kanilang ikinakagalit.
Ayon kay DND Sec Delfin Lorenzana, walang illegal provocations dahil ang inaangkin na teritoryo ng China ay nasa West Philippine Sea at nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Nauna rito ay pinatitigil ng China ang pagsasagawa ng Pilipinas ng aerial patrol sa pinag-aagawang bahagi ng dagat kung saan illegal na nagtayo ng mga imprastraktura dito ang China.
Pagtitiyak ni Lorenzana na ang pagpapatrulya ng mga eroplano at barko ng Pilipinas ay sa loob ng teritoryo ng bansa, gayundin ang mga aktibidad ng ating mga kababayang mangingisda. (Josephine Patricio)