Advertisers

Advertisers

2 ‘tulak’ patay sa buy bust

0 469

Advertisers

NASAWI ang dalawang drug suspects nang makipagbarilan sa mga otoridad sa buy bust operation sa Lucban, Quezon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rex Gomez Carubio alias Rex, 39, ng Espeleta St, Poblacion, Muntilupa City; at Philip Monillas Natividad, 44, ng B7 L11 PH2 Saint Rita St., Sto Niño Village, Brgy. Tunasan, Muntinlupa City.

Ayon kay Quezon Provincial Director, Colonel Audie L. Madrideo, 12:30  ng madaling nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Lucban Police Station at 3rd Platoon Ist Quezon Provincial Mobile Force Company sa  Diversion road, Bgy. Kulapi, Lucban.



Nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang nakatransakyon matapos maiabot ang isang transparent plastic sachet ng shabu sa isang agent na nagpanggap na buyer, dahilan para paputukan nito ang mga operatiba habang mabilis naman na pinatakbo ni Natividad ang gamit na sasakyan.

Hinabol ng mga otoridad ang mga tumatakas na suspek at nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapatay ang dalawa. (Mark Obleada)