Advertisers
MALIWANAG na isang pagtataksil sa ating Konstitusyon ang ginawang pagpupulong nung Sabado sa Clark, Pampanga ng grupong nagsusulong sa Revolutionary Government (RevGov).
Hindi iyon “freedom of speech” na sinasabi ng Malakanyang, kundi inciting to sedition, isang act of terrorism, labag sa ating Saligang Batas at swak din sa bagong batas ng Anti-Terrorism.
Kung ito ay ginawa ng mga militante, makakaliwa o ng taga-oposisyon, tiyak nakakulong na sila ngayon at nahaharap sa patong patong na kaso ng paglabag sa community quarantine protocols at sa Anti-Terrorism law.
Ang naturang pulong na dinaluhan ng mga pro-Duterte, nasa 300 katao, kabilang ang mga kilalang indibidwal tulad nina Bobby Brillante at DILG Usec. Martin Dino, ay nagkaroon ng mga pirmahan para isulong ang RevGov, palitan ang kasalukuyang Saligang Batas, iupo ang kanilang mga sarili na mga kasalukuyan nang nakaupo sa gobyerno.
Sabi nga ng Dean ng San Beda School of Law na si Father Ranhilio Aquino, ang malinaw na harangarin ng grupong ito ay baguhin ang Konstitusyon, hindi magkaroon ng eleksyon sa 2022 at ma-extend ang termino ng mga nakaupo ngayon.
Kung sina ex-Senator Antonio Trillanes lang siguro ang gumawa nito, tiyak pinaposasan na sila ni Pangulong Rody Duterte sa AFP o PNP, pinakasuhan kay SolGen Jose Calida at pinaka-prosecute kay Justice Sec. Guevarra. Mismo!
Pero ang grupong nagsusulong ng pagsira sa Konstitusyon ay mga kaalyado rin ng Pangulo. In fact mga nakapuwesto pa sa gabinete ang iba. Tulad nitong si Usec. Martin Diño, dapat the moment na pumirma siya sa pagsulong sa RevGov ay resigned siya sa DILG.
Wala! Dedma lang sa Malakanyang ang mga pagtataksil nina Billante at Diño. Mabuti lang at walang pumatol sa kahibangan ng mga taong ito. Pero hindi ito dapat palagpasin. Dapat kasuhan sila Brillante at Dino. The law applies to all, otherwise none at all!
***
Kanya-kanya namang pahayag ng kanilang reaksiyon ang mga senador tungkol sa kahibangan ng mga nagsu-sulong ng RevGov:
Tweet ni Senador Nancy Binay: Hindi nakaka-flatten ng curve ang RevGov.
Tweet naman ni Sen. Joel Villanueva: This call for a revolutionary government is dangerous and amounts to inciting to sedition under the revised penal code. This is an illegal act and the government should ensure that the perpetrators are charged.
Tweet ni Sen. Kiko Pangilinan: Revgov na pamumunuan din nila? Eh yung pamumuno nga sa pagsugpo ng covid nauwi sa daang libung nagkakasakit, libu-libu ang namamatay, milyun milyon ang nawalan ng trabaho at ginugutom at bilyun bilyong pisong nakawan tapos sia parin ang mamumuno?? Ika nga eh, don’t us.
– Tweet ni ex-Cong. Erin Tañada: Tama! Don’t us! Think how illogical the thinking is… they want to overthrow a government that PDu30 heads and install a RevGov that he will head. PDu30 already influences all institutions in government. Do you think PDu30 will agree to remove all his allies in power?
Sinabi naman ni Bishop Broderick Pabillo na ang panawagang magtayo ng revolutionary government ay isang pagtataksil sa bayan. “Yan po ay hindi makatarungan at yan ay immoral… that is seditious, that is being a traitor to the country.”