Advertisers

Advertisers

GARY, GARIELLE , GARIANNA AT GIANNA EJERCITO BALIK-BASEBALL/SOFTBALL

Matapos ma-strikeout ang coronavirus...

0 359

Advertisers

SADYANG nananalaytay sa dugo ni actor/ public servant/sportsman Gary Ejercito ang larong baseball.
Si Ejercito na dating naging miyembro ng national baseball team at player ng Cebu Dolphins sa dating Baseball Philippines ay laging mayroong pagkakataong makapag- ensayo ng baseball sa kanyang malawak na bakuran sa panahon ng community quarantine bilang pagpapakundisyon kaensayo ang kanyang mga manlalaro na dumadayo at nagapanalo sa mga liga noon at tatlong supling na babaeng softbelles kaya bumalik ang kanyang entusiasmo sa laro kung saan ay tiniyak niyang babalik siya sa active competitions kundi man ilalahok ang kanyang koponan sa mga pangunahing liga sa bansa ay mag-organisa ito ng liga ng baseball sa na batid niyang magiging madali para sa kanya .
Sa panahon din ng community quarantine ay patuloy naman sa sa backyard practice ang kanyang mga anak na softball players sa International Little League of Manila( ILLAM) na sina Garielle, Garianna at Gianna na pawang potensiyal na maging Blu Girls sa hinaharap.
“We will organize leagues to give opportunity to many baseball players in Metro Manila and in the countryside. We will make that possible after our heath experts contain the coronavirus going to the new normal of our life particularly in sports ..Let’s play ball!”, wika ng noon at kasalukuyang baseball team owner ng Quezonian1X (San Antonio) sa panayam.
“That’s a welcome development.I will support Mr.Gary Ejercito in his program for the development of the sport in the country”,pahayag naman ng kaibigan at ka- baseball na si Keiji Katayama ng Katayama Baseball Academy Philippines.
Si Ejercito na naging Board Member ng Quezon Province at isa sa mga premyadong aktor sa pinilakang tabing ay may mga planong pangkabuhayan na inaantay lang ang pagluwag ng pandemic tulad ng negosyong restoran , one stop shop at driving school para sa mga taga-Rizal Province katuwang ang kanyang maybahay na si aktres Bernadette Allyson bukod pa sa kanilang naka- schedule na proyektong tele-serye sa new normal.(Danny Simon)