Advertisers

Advertisers

Naririto na ang mabisang panlaban sa COVID 19!

0 317

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo’y tawagin ng Diyos. Ayon sa pamantayan ng tao ay iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas…” (1 Corinto 1:26-29, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

REVGOV, AAYOS SA SIRANG SISTEMANG DULOT NG SALIGANG BATAS NG 1987: Sa mga nagbabasa ng kolum ng Kakampi Mo Ang Batas sa mga nakalipas na panahon, alam na ninyo na pabor ako na magkaroon ng revolutionary government sa Pilipinas. Marami na akong naisulat tungkol dito, kahit na bago pa maluklok ang Pangulong Duterte.



Iisa lang ang aking dahilan: sira at depektibo ang sistema ng pamahalaan sa bansa sa ngayon, at sira at depektibo din ang Saligang Batas ng 1987 sa maraming bahagi nito. Sa sistema ngayon, nananatili ang mga korap, ang mga tiwali, ang mga mandarambong, at ang mga mandaraya.

Walang paraan ang Saligang Batas ng 1987 upang baguhin ang sirang sistemang ito. Dahil diyan, kailangang magkaroon ng bagong sistema, at ipinapanukala na natin noon pa ang revolutionary government. Oo naman at marami ang naghahaka-haka na gagamitin lamang ni Duterte at ng kaniyang mga kaalyado ito upang mapalawig ang kanilang termino, pero, haka-haka lamang yun.

***

AND KNK: MGA NAMUMUNO BATAY SA ARTICLES OF INCORPORATION NG SIMBAHAN: SSDSNNJ Amen. Maliban po sa Lider Disipulo, mayroon ding ibang mga namumuno sa Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo. Nakasaad din ang mga pinunong ito sa pinakahuling Articles of Incorporation ng AND KNK. Ngayong araw na ito, kilalanin po natin ang mga itinalagang mga posisyon ng nasabing Articles of Incorporation ng AND KNK.

Ang mga opisyales na ito na pinangalanan ng Articles of Incorporation ng AND KNK sa kani-kanilang posisyon ay ang mga sumusunod: ang Mahal na Bise Lider Disipulo, ang Mahal na Pangkalahatang Mangangaral, ang Mahal na Ingat-Yaman, ang Mahal na Tagausig, ang Mahal na Kalihim, at ang Mahal na Tagapagtanggol.



Maliban sa Mahal na Tagapagtanggol, ang lahat ng mga posisyong ito ay mayroon ng mga nakatalagang mga Kadugo sa kasalukuyan, sa kautusan ng Mahal na Lider Disipulo (ang Mahal na LD). Ang lahat ng mga nakatalaga ay pawang naitalaga munang mga mangangaral, o pastor o pastora, ng Simbahan. Silang lahat ngayon ay kasapi din ng Komite ng mga Tagapamahala.

Ang Komite ng mga Tagapamahala ay hindi nakadetalye sa Articles of Incorporation ng Simbahan, gaya ng hindi din nakadetalye doon ang Mahal na Pangkalahatang Tagapangasiwang Kadugo at ang iba’t-ibang mga komite ng Simbahan, gaya ng Media Committee, Finance Committee, at ang Komite ng Disiplina.

***

PAGSULONG NG MGA GAWAIN NG PAGPAPAHAYAG AT PAGLILIGTAS SA MGA OPISYALES NG AND KN: Pero, ayon na rin sa sinasabi ng Articles of Incoporation, at sa inspirasyon ng Diyos sa Kaniyang Simbahan sa silangan, sa malayon lupain, ang Pilipinas, silang lahat ay itinalaga sa kani-kanilang mga kasalukuyang posisyon ng Mahal na LD, upang maging bahagi sa lumalaking gawain ng pamamahala ng Simbahan sa Pilipinas at sa buong mundo.

Ayon kasi sa Articles of Incorporation, ang Mahal na LD ay may karapatang magtatag ng anumang posisyon na gaganap sa mga gawain ng AND KNK, sa Pilipino at sa buong mundo, at buong kalawakan, bagamat hindi naunang nakadetalye ang mga posisyong yun sa Articles of Incorporation.

At batay pa din sa Articles of Incorporation ng AND KNK, kinikilala doon ang kapangyarihan ng Mahal na LD na magtalaga din ng mga mangangaral, at mga tagapangasiwang kadugo, babae man o lalaki, sa iba’t ibang lugar.

Ngayong Agosto 2020, naririto po ang listahan ng mga Kadugong nanunungkulan sa iba’t ibang posisyon ng Simbahan: bilang Mahal na Bise Lider Disipulo, Pastora Aida Rabang; bilang Mahal na Pangkalahatang Mangangaral, Pastora Isabel Biona; bilang Mahal na Ingat-Yaman, Pastora Aida Rabang, habang nakalataga din naman ang Kaagapay na Ingat-Yaman, Pastora Ging Diamante.

***

SEREMONYAS NG PAGTATALAGA SA AND KNK: Nanunungkulan din bilang Mahal na Tagausig, Pastora Ana Jaena Cruz; bilang Mahal na Kalihim, Pastora Kay Zobel. Samantala, ang nakatalaga bilang Mahal na Pangkalahatang Tagapangasiwang Kadugo, Pastora Nymfa Sagun; bilang pinuno ng Media Committee, Pastor Matt Zobel; at ang pinaka-pinuno ng Finance Committee at ng Komite ng Disiplina, ang Mahal na LD. Sa ngayon, ang Mahal na LD din ang gumaganap bilang Mahal na Tagapagtanggol ng Simbahan.

Samantala, nanunungkulan bilang Mahal na Pangkalahatang Tagapangasiwang Kadugo ng mga Kabataan ang TK Katlin Zobel, ang kumatha at umawit ng theme song ng Simbahan na pinatutugtog bago at pag natatapos ang pang-araw-araw na palatuntunan ng AND KNK, Ang Tanging Daan, at maging sa bawat Pagtitipon. “Be Still” ang pamagat ng awiting ito, na nilapatan ng musika ng mga butihing magulang ni TK Katlin, ang Mahal na Pastor Matt, at ang Mahal na Pastora Kay.

Sa lahat ng mga Kadugong ito, nagkaroon ng seremonyas ng pagtatalaga sa kani-kanilang mga posisyon bago sila nag-umpisa sa kanilang mga bagong tungkulin paraa sa Simbahan. Ang pagtatalaga sa kanila sa posisyon ay gaya din ng pagkilala at pagtanggap sa isang tao bilang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo, at sa pagtatalaga ng mga Mangangaral at mga TKs, o mga Tagapangasiwang Kadugo.

Sa susunod, God willing, marami pang ibang pagpapaliwanag ang ating gagawin tungkol sa Articles of Incorporation ng AND KNK. Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga Kadugo at mga kapatid sa buong mundo na samahan kami sa pag-aaral ng iba’t ibang mga bahagi ng nasabing dokumento. Salamat Sa Diyos Sa Ngalan Niyang Jesus, Amen.

***

MAKINIG, MANOOD: “Ang Tanging Daan”, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5 ng hapon (oras sa Pilipinas), Bukidnon Radyo Power FM (Valencia City at Lake Seibu, South Cotabato), 95.5 J FM (Dangkagan, Bukidnon), DXMJ 90.3 Sunshine FM (Sumilao, Bukidnon), at sa website ng AND KNK (www.andknk.ph), YouTube (Ang Tanging Daan AND KNK), Facebook pages na www.facebook.com/angtangingdaan, www.facebook.com/attybatas, at sa CATV Cable Channels, Coron, Palawan, at Calamianes Cable TV, sa Calamianes Islands.