Advertisers
Advertisers
Advertisers
Ibinahagi ni Senador Bong Go ang kanyang kumpiyansa na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes ay magdadala ng mas magandang kinabukasan para sa mga Filipino sa kabila ng hamon na hinaharap ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.
Inaasahan ni Go na magbibigay si Pangulong Duterte ng konkretong plano at panukalang legislative measures para palakasin ang pagsisikap ng pamahalaan na malampasan ang nagpapatuloy na krisis at dalhin ang bansa tungo sa socio-economic recovery.
“I am expecting that the President will focus his 5th SONA on measures (1) to strengthen our fight against the ongoing COVID-19 pandemic, (2) to address the needs of the people to overcome the hardships that the crisis has caused in everyone’s lives, and also, (3) to sustain the gains of the Duterte Administration’s promise of a comfortable life for all despite the challenges that we are facing,” ayon Go sa isang kalatas.
“Our goal now is not only to adapt to the ‘new normal’, but to lead our country towards a ‘better normal’ and better quality of life,” dagdag na pahayag ni Go.
Kumpiyansa rin si Go na ang pangunahing mahalaga ay ilagay ang hakbang na magpapataas sa kapasidad ng healthcare system sa lahat ng antas.
“Aside from enhancing our overall capacity to Test, Trace and Treat COVID-19 cases, I am hoping that he will also prioritize improving the capacities and capabilities of public hospitals, establishing mandatory quarantine facilities and evacuation centers, strengthening our health workforce, promoting the welfare and well-being of our medical frontliners, and preparing a national vaccine program for COVID-19 in anticipation of its availability to ensure that Filipinos can have access to it,” aniya pa rin bilang chairman ng Senate committee on health and demography.
Dahil dito, inaasahan din ni Go na makakakita pa ng mas maraming health-related bills na ipaprayoridad kapwa ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso na nakatakdang magbukas ang second regular session ng 18th Congress sa susunod na linggo.
Kamakailan, nanawagan si Go para sa pagpapaunlad ng national vaccine program para sa strategic allocation ng COVID-19 vaccine para sa pangkalahatang populasyon sa inaasahang posibleng hamon ng bakuna kapag naging available na ito.
Bukod dito, inaasahan din ni Go si Pangulong Duterte na bibigyang-diin at bibigyang-pansin ang mga pangunahing economic responses para mapagaan ang ‘human at economic impact’ ng pandemiya.
“Dahil apektado ang lahat ng sektor ng lipunan dahil sa pandemya, prayoridad rin ng Pangulo na siguraduhing hindi tumigil ang serbisyong dapat natatanggap ng mga tao,” aniya.
Aniya pa, kailangan na mapanatili ang ‘efficient, effective and responsive government service delivery’ sa kabila ng paghihirap upang maipagpatuloy ng mga mamamayan ang pag-unlad at para sa mga negosyo na matulungan na makatalon ang ekonomiya.
Sa kabila ng mga hamon na kinahaharap ngayong taon, inaasahan pa rin ni Go na ipagpapatuloy ng Duterte administration ang pagsusumikap upang matupad ang pangako nitong komportableng buhay para sa lahat ng mga Filipino.
At sa pagpasok ng Duterte administration sa huling bahagi ng termino nito, nananatili aniya ang Pangulo na determinadong mapabuti ang buhay ng mga Filipino.
“Dahil sa epekto rin ng pandemya, may mga inisyatibo ang Pangulo tulad ng Balik Probinsya Program na magbibigay ng bagong pag-asa at mas magandang buhay sa mga Pilipino kung pipiliin nilang manirahan sa kanilang mga probinsya,”ayon kay Go.
Samantala, ipinahayag naman ni Go ang kanyang pananampalataya na makakawala rin ang bansa mula sa krisis.
“Malayo na ang ating narating mula nang umupo si Pangulong Duterte. Bagama’t patuloy ang mga pagsubok na ating hinaharap, hinuhubog rin nito ang ating kakayahan at pagkatao upang mas makapagserbisyo pa lalo sa ating kapwa tungo sa tunay na pagbabago,” pahayag ng senador.
Prev Post
Next Post