Advertisers

Advertisers

Alden may bagong adbokasiya

0 732

Advertisers

MAY bagong adbokasiyang isinusulong ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Ito ay ang #EndTB campaign ng USAID na kaisa ang GMA Network.

Bilang ambassador nito, layunin ni Alden na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa tuberculosis, pagwaksi sa stigma ng sakit, at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Aniya, “I am honored and grateful to be chosen as #EndTB Ambassador supporting the #TBFreePh campaign. I am excited for this new role and I hope I will be able to contribute to this public health advocacy. I have always been promoting a healthy lifestyle and I am embracing this challenge to promote health seeking behavior for tuberculosis especially in the midst of the pandemic.”



Samantala, isa si Alden sa finalists ng Sexiest Man in the Philippines ngayong 2020 ayon sa entertainment website na Starmometer.com. Nagsimula ang global fan vote noong August 14 at magtatapos sa August 24. Maaari pang bumoto sa Facebook, Twitter, at Instagram accounts ng entertainment site.

***

Sophie Albert ibinahagi ang quarantine realizations

Sa E-Date Mo Si Idol episode noong August 13, nagkuwento ang Kapuso actress na si Sophie Albert ng kanyang mga realization habang naka-community quarantine.

Ayon kay Sophie, nakakapagod umano na wala siyang masyadong kausap sa bahay kaya natutuwa siyang nakilala sa GMA Artist Center virtual date si Nelo.



“I’m so happy kasi nga wala akong kausap na ibang tao so I’m excited to talk to you. I’m excited to learn more about you. To learn more about someone else. Ang mga kasama ko lang sa house kasi ito si Ginger, and my mom. Nakakapagod din pala kapag wala ka masyadong kausap,” lahad ng aktres.

Ibinahagi rin ni Sophie na napansin niyang mas nakakatipid siya sa oras nang magsimula siyang mag-workout sa bahay.

“Feeling ko after ng quarantine ay sa bahay na lang talaga ako magwo-workout kasi parang ang daming oras na nase-save ‘pag sa bahay lang. Unlike ‘pag nagwo-work out ako dati everyday sa gym, parang nauubos yung buong araw ko, wala akong na-a-achieve.”

***

Jon Lucas ipinagdiwang ang “pinakamasayang birthday”

Noong August 18, masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Kapuso actor na si Jon Lucas.

Pagbabahagi niya sa Instagram, ito raw ang pinakamasayang birthday niya, “Sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok na ito sa buhay, ang masasabi ko lang, ito ang pinakamasayang taon ng birthday ko. Nakita ko ang totoo kong kayamanan, pamilya at mga kaibigan. Kaya naman, salamat sa mga pagbati n’yo sa akin. Salamat din sa mga tao na nagpadala ng makakain.

“Salamat sa pagmamahal n’yo sa akin kahit hindi ko ito natumbasan kahit kailan. Higit sa lahat, maraming salamat sa Diyos sa panibagong taon na dinagdag niya sa akin. Masaya ako guys! SALAMAT.”

Samantala, malapit nang magbalik-taping si Jon at iba pang cast ng Descendants of the Sun PH para sa fresh episodes ng primetime series. Tiyak na aabangan ito ng loyal viewers ng programa na nabitin sa panonood nito sa GMA.

***

Glaiza de Castro may Buwan ng Wika-inspired vlog

Bagay talaga ang bansag na ‘Katipunerang Milenyal’ sa Kapuso star na si Glaiza de Castro.

Sa latest vlog kasi niya, mala-‘Buwan ng Wika’ ang naging tema niya.

Special guest pa niya rito ang boyfriend, “Ito na ang bidyong bago niyong kagigiliwan ?? Para sa mga kababayan ko pati na rin sa mga dayuhan, maaari niyo nang mapanood ito sa aking Youtube channel. Maligayang Buwan ng Wika! Maraming salamat @david_rainey89, ako’y lubos na nagagalak ??”

Samantala, kasalukuyang napapanood si Glaiza sa rerun ng ‘Encantadia’ gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA. (Joe Cezar)