Advertisers

Advertisers

Klinton Start proud na naging bahagi ng ‘Kaya Kong Magbasa’

0 508

Advertisers

IPINAHAYAG ni Klinton Start ang kagalakan na naging bahagi siya ng Kaya Kong Magbasa-Part 1. Ang nasabing event na ginanap last August 9 ay isang fund raising live streaming show na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral na kapos sa pera.

Saad ng binatilyong binansagang Supremo ng Dance Floor, “Sa part-1 lang po ako kasama.

“Bale, nagkaroon po kami ng performance and sumayaw po ako roon. Binigyan po kami ng tig-tatlong sayaw galing po sa Tiktok. And yung ilan sa mga nakasama ko po roon ay sina JB Paguio, JM Agaps, Ella Apon, at marami pang iba.”



Ano ang pakiramdam na naging bahagi siya ng ganitong fund raising event?

Wika niya, “Isang malaking karangalan po para sa akin ang makasama sa ganitong event, dahil marami po kaming natulungan na mga kabataan na gusto pong makapag-aral.”

Nagpasalamat din siya sa mga tumangkilik ng kanilang show. “Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng nanood ng Kaya Kong Magbasa Part-1 at dahil po sa panonood ninyo ay mayroon na tayong sure na 1,388 na students na matutulungan.

“Maaari rin po kayong mag-donate ng mga supplementary module na ang isang module ay nagkakahalaga lamang ng P75.

“One hope, one dream, one nation, together… let’s help them build their dreams,” sambit pa ni Klinton.



Base pa sa FB post ng SMAC Television Production na pinangunahan ang naturang event, for donations, please see details below; SMAC Television Production BPI Acct. # 0279265041 Gcash: # 09453219822.

Si Klinton ay bahagi ng programang Yes Yes Show na umeere sa IBC 13.

Kailan magre-resume ang kanilang taping? Excited na ba siyang mag-work ulit?

Tugon ni Klinton, “As of now po panay online shows lang po muna kami dahil medyo mahirap pong makapag-taping, dahil halos lahat po sa amin ay mga bata pa.”

Aniya pa, “Siyempre naman po sobrang excited na po dahil sobrang miss ko na rin po talaga ang mag-perform and mag-taping po.”

Si Klinton ay kabilang din sa proud endorser ng CN Halimuyak Pilipinas na pinamumunuan ng mabait at matulunging CEO nito na si Ms. Nilda Tuason. (Nonie V. Ncasio)