Advertisers

Advertisers

Lacson: Mafia ang PhilHealth execomms

0 216

Advertisers

KUMBINSIDO si Senador Panfilo Lacson na ang executive committee ng PhilHealth ang siyang tinaguriang “mafia” sa ahensya.
Ginawa ni Lacson ang naturang pahayag sa isang panayam matapos na tapusin na ng Senado ang imbestigasyon nito noong nakaraang linggo sa mga sinasabing iregularidad sa PhilHealth.
Ayon kay Lacson, ang execomm sa central office ang siyang gumagawa ng masterlist ng healthcare institutions na unang makakatanggap ng pondo sa ilalim ng kontrobersyal na interim reimbursement mechanism (IRM) nito.
“Palagay ko naman hindi ako nag-iisa sa may kaisipan na ganito na base sa pagdinig na ginawa natin, hindi lamang ngayon maski nung April, lumalabas na ang nagmamaneobra ng lahat at pati ng overpricing, pati yung pag-operate ng pondo ng PhilHealth, ay nasa execomm,” ani Lacson.
“So pwede na nating sabihin, ako base sa mga komento, ang mafia nasa execomm. Sila na nga [mismo ang mafia], ganun na nga ang lumalabas,” wika ni Lacson.
Tinukoy nito ang mga naging testimonya ng ilang regional vice presidents ng PhilHealth na nagsabing tatanggap na lamang sila ng listahan ng mga ospital na bibigyan ng pondo, at ang kanilang trabahon ay maghanda na lamang ng memorandum of understanding para sa mga ito.
Nauna nang inihayag ni resigned PhilHealth anti-fraud officer Thorsson Montes Keith na ang “mafia” sa PhilHealth, na binubuo ng executive committee, ay nakapagbulsa ng P15 billion sa pamamagitan ng mga fraudulent schemes, kabilang na ang sa IRM.
Pero mariing itinanggi ito ng PhilHealth sa kanilang mga inilabas na statements. (Mylene Alfonso)