Advertisers

Advertisers

Mister pinalabas ng bahay bago pinatay

0 279

Advertisers

ATAY ang 43-anyos na mister nang pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman paglabas nito sa kanyang tarangkahan sa Barangay Tagpu, Mandaon, Masbate, Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Joel Amaro Barredo, may asawa, isang karpintero.
Sa ulat, 8:30 ng gabi nakahiga na ang biktima para matulog nang may tumawag sa kanya sa labas ng kanilang bahay. Lumabas siya para tingnan ang taong dumating pero bigla siyang sinalubong ng magkakasunod na putok ng baril. Agad tumakas ang gunman patungo sa hindi malamang direksyon.
Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng bala.(PTF team)