Advertisers

Advertisers

Di magbubulag-bulagan ang PTFoMS

0 273

Advertisers

Isa na namang kaso ng pagpatay ang napasakamay ng inyong Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) nang paslangin si PADABA FM Radio Disc Jockey Ric Ian Bill “DJ Ian” De Leon noong gabi ng August 13, 2020 sa Barangay Managa-naga, Bulan, Sorsogon.

Bagama’t hindi pa tukoy ang motibo at identity ng pumaslang at mga nasa likuran nito, mariing kinukundina ng PTFoMS ang nangyari kay De Leon, at kaisa kami sa pagdadalamhati ng kanyang mga naulila kasama ang ating kalihim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na si Secretary Martin M. Andanar na siya ring Co-Chairman ng PTFoMS., katuwang ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menardo Guevarra.

Kabilin-bilinan ni Secretary Andanar na pangunahan ng PTFoMS ang pag-iimbestiga sa pamamaslang upang matukoy ang mga salarin at mabigyang hustisya ang pamilya ni De Leon.



Bilang pamunuan ng PTFoMS, hindi kami magbubulag–bulagan sa kaso anu pa man ang motibo sa pamamaslang, dahil itinuturing na namin itong may kaugnayan sa trabaho ni De Leon bilang mediaman. Kahit na sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na hindi aani ng makaka-away ang pagiging DJ ng biktima.

Sa report na ipinasa sa PTFoMS ng PNP, pasakay na si De Leon ng kanyang motorsiklo nang lapitan ng di pa nakikilalang salarin at malapitang pinagbabaril. Agad itong bumagsak dahilan sa mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan at idineklarang “dead-on-arrival” sa Bulan Medicare Hospital.

Walong basyo ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang nakuha ng mga otoridad sa crime scene na siya namang ipapa-examine sa PNP Provincial Crime Laboratory Office habang inaalam pa ang motibo sa pagpaslang.

Ngunit hindi titigil ang PTFoMS na tingnan pa ang ibang anggulo sa pamamaslang gaya ng personal na buhay ng biktima. Patuloy na tututukan ng Task Force at makikipag-ugnayan ito sa mga otoridad na naatangan sa imbestigasyon. Tinitiyak namin na hubaran ng maskara ang may kagagawan nito at panagutin sa batas upang makulong at makamit ang hustisya sa pagkamatay ni De Leon.

Ito ang mandatong ibinigay ni Pangulong Duterte sa PTFoMS na ang tagubilin ay panagutin ang lahat ng sinumang magtatangka o kumitil ng buhay ng taga-media. Hindi kami titigil hangga’t walang nahuhuling mananagot sa pangyayari at makukulong ang lahat ng sangkot sa pamamaslang na ito kay De Leon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">