Advertisers

Advertisers

Covid-19 update: 436 gumaling; 26 namatay; 4,933 bagong kaso

0 247

Advertisers

Umakyat na sa bilang na 187,249 ang kumpirmadong kaso ng nakamamatay na COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).
Sa inilabas na datos ngayong hapon, August 22, karagdagang 4,933 kaso na maituturing na isa na namang mataas na naitalang kaso sa loob ng isang araw.
Habang ang aktibong kaso ay nasa 69,362.
Ayon sa DOH, ang mga resulta ng mga kumpirmadong kaso ay mga isinumite ng 97 mula sa 109 na lisensyadong laboratoryo sa bansa.
Sa bilang ng bagong mga kaso, 3,702 ang naitala sa pagitan ng August 9 hanggang 22 kung saan nananatiling nasa una ang National Capital Region o NCR na may 2,316; Region 4A , 826; Region 3, 242.
Umabot na rin sa 114,921 ang kabuuang recoveries dahil sa bagong 436 pasyente na gumaling sa sakit.
Sa deaths naman ay 26 ang nadagdag, na ang 13 rito ay pumanaw ngayong August; tig 1 naman noong July, June, May at April.
Sa mga pumanaw na ito, karamihan din ay mula sa NCR na nasa 17; Region 3, 3; CARAGA, 2; at tig 1 naman sa Region 6, Region 4A at Region 1.
Samantala, ang 49 na naitalang duplicates ay inalis din sa total case counts kung saan 15 dito ang inalis na recovered.
Nasa 19 naman ang kaso na inulat na recovered ngunit matapos ang ginawang final validation ay natuklasang 1 ang pumanaw at 18 ang mga kaso. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)